Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Coney dawit sa Amalia-Albert feud

Coney dawit sa Amalia-Albert feud

Coney Reyes

DAMAY si Coney Reyes sa galit ni Amalia Fuentes kay Albert Martinez and his children. Si Coney pala ang host sa cremation ceremony para kay Liezl Martinez.

Umuusok sa galit ang mga post ni Amalia sa kanyang FaceBook account. Ayaw talagang paawat ang dating Movie Queen. Sumama ang loob ni Amalia nang hindi nabanggit ni Coney ang mga pangalan nila ni Romeo Vasquez bilang mga magulang ni Liezl.

Pati nakaraan ni Coney kaugnay ng naging relasyon niya kay Vic Sotto ay naungkat pa ni Amalia.

Post pa ni Amalia sa kanyang FB account na pera lang niya ang habol sa kanya ni Albert. Two weeks bago namatay si Liezl ay binigyan daw niya ito ng P2 million, ayon kay Amalia. Binabawi niya ‘yun at ibalik daw sa kanya ang pera.

Two days bago namatay si Liezl, humihingi na naman daw si Albert ng P5 million, then P10 million. Bago raw umuwi sa Pilipinas si Romeo Vasquez na nasa US ay nagkausap sila. Sinabihan daw ito ni Albert na humingi sa kanya (Amalia) ng P1.2 million.

Dalawang beses daw siyang tinawagan ni Romeo at nag-text rin ito sa kanya, post pa ni Amalia.

Cambodia-bound
Paalis this month si Mikael Daez papuntang Cambodia. Guess who ang kanyang kasama? Not his girlfriend Megan Young, but Andrea Torres. Bakit? Gagawa kasi sila ng teleserye sa Cambodia at twenty days silang mananatili roon para sa shoot.

First time ni Mikael gagawa ng isang project abroad, kaya happy at excited siya. Aniya, ikinagulat nila ni Andrea ang mainit na pagtanggap ng Cambodians sa mga pinagsamahan nilang teleserye – “With a Smile,” “Sana ay Ikaw Na Nga” at “Ang Lihim ni Annasandra” na ipinalabas lahat sa Cambodia.

Hindi naman mawawala si Mikael sa existing shows niya sa GMA dahil inayos ng kanyang manager at ng GMA Artist Center ang kanyang schedule. Mapapanood pa rin siya sa “Midnight Express” ng “Saksi,” “Ismol Family” at “Bubble Gang.”

Nag-renew rin pala si Mikael ng kontrata sa GMA7. “For over four years, I’m happy with GMA. Naalala ko pa noong first contract-signing ko, ipinangako kong I will try to improve and keep on getting better and show them (GMA management) something new with each new project. I would
like to think na nagawa ko naman,” pahayag ni Mikael.

This Holy Week, either sa Baguio o sa Zambales siya pupunta, ayon sa Kapuso actor. Kagagaling lang niya sa New York with his mom. Treat daw niya ’yun sa kanyang mommy.

comments