Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Geoff nasuntok sa mata

Geoff nasuntok sa mata

GEOFF Eigenmann

AKSIDENTENG nasuntok si Geoff Eigenmann sa kanyang mata ng isang co-actor niya sa isang eksena sa taping ng “Kailan Ba Tama ang Mali?” Agad siyang isinugod sa pinakamalapit na ospital para malapatan ng lunas. Hindi naman grabe ang pinsalasa kanyang mata, kaya pinalabas din si Geoff makaraang gamutin siya at makapagpahinga.

Hindi naman nagalit si Geoff sa co-star niya dahil hindi naman sinadyang suntukin siya sa mata. Naintindihan niyang bahagi ng kanilang trabaho na hindi maiwasan ang gano’ng insidente.

Birthday ni Geoff noong March 22 at sa Dakak beach resort siya nag-celebrate kasama ang ilang close friends. This Holy Week, nasa Hong Kong ang Kapuso actor kasama ang kanyang mommy Gina Alajar, his brother Ryan Eigenmann kasama ang pamilya nito.

Bianca Umali

Post-birthday celebration
March 2 ang 16th birthday ni Bianca Umali. Nagkaroon siya ng post-birthday celebration noong March 26. Kasama ang mga street children mula sa Kaisang Buhay Foundation, nagpunta sila sa Art in Island, Cubao, QC.

Nilibot nila ang buong museum at nagpa-picture sa iba’t ibang 3D paintings sa loob nito. Biggest 3D museum ito sa Asia. Namigay rin si Bianca ng loot bags sa mga street children at sama-sama rin silang kumain.

Ani Bianca, sobra’ng saya niya at thankful siyang nag-celebrate ng kanyang birthday sa piling ng mga street children dahil nakapag-share siya ng blessings sa mga ito.

Samantala, umaapela ang Biguel (Bianca-Miguel Tanfelix) fans na huwag daw sanang patayin ang karakter ni Bianca sa “Once Upon a Kiss” bilang Ella. May brain tumor kasi si Ella. Gusto ng kanilang fans na happy ending ang OUAK. Abang-abang nalang sa mga kaganapan ng seryeng ito na napapanood pagkatapos ng “Pari Koy” sa GMA Telebabad.

comments