Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Rico, Miko buhay sa puso nina Claudine, Angel

Rico, Miko buhay sa puso nina Claudine, Angel

Aljur Abrenica

NASA resort nila sa Batangas ngayong Holy Week si Aljur Abrenica kasama ang kanyang pamilya.

Noong birthday naman niya last March 24, nasa Batanes si Aljur. Mag-isa lang siyang nagpunta roon at nag-island hopping siya. Nag-enjoy siya at nag-relax. Nakapag-muni-muni rin siya sa kanyang “alone time.”

Aniya pa, marami siyang nakilalang mga turista sa Batanes at mababait daw ang mga tao roon.

Nami-miss na ni Aljur ang pag-arte at excited na siyang gumawa ng panibagong teleserye. Kaya lang, kailangang ayusin pa ang “gusot” sa kanila ng GMA management. Kahit si Aljur na ang kusang lumapit para makabalik siya sa “Sunday All Stars,” wala pa kaming nababalitaang isasama siya sa mga nakalatag na projects ng Kapuso Network.

CLAUDINE Barretto

No more second chance
Para palang si Angel Locsin si Claudine Barretto. Hindi pa rin niya tuluyang nakakalimutan ang namatay niyang ex-boyfriend na si Rico Yan. March 29, 2002 ito namatay dahil sa bangungot. Nataong Good Friday noong pumanaw si Rico.

Nag-post si Claudine sa kanyang Instagram account ng magkasamang picture nila ni Rico noong death anniversary nito. May caption pa si Claudine na nami-miss niya si Rico.

Si Angel, hindi nakaka-limutang mag-post sa kanyang Instagram account patungkol sa namayapa niyang ex-boyfriend na si Miko Sotto kapag birthday at death anniversary nito. Dec. 29 (nakalimutan namin what year) namatay si Miko na nahulog mula sa 9th floor ng kanyang condominium unit.

ANGEL Locsin

May Luis Manzano na ngayon si Angel. Waiting na lang siya sa marriage proposal ng TV host. She’s turning 30 on April 23, turning 34 naman si Luis on April 12. Tama ba kami?

Broken marriage naman sina Claudine at Raymart Santiago. Malabo nang magkaroon sila ng second chance dahil ayaw na ni Raymart makipagbalikan sa kanyang estranged wife.

comments