Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jasmine Curtis lilipat sa Dos

Jasmine Curtis lilipat sa Dos

Jasmine Curtis Smith

TOTOO kaya ang tsikang diumano’y lilipat si Jasmine Curtis-Smith sa ABS-CBN? ’Heard, matatapos na ang kontrata niya sa TV5, kaya gusto diumano ng kanyang manager na si Bechay Vidanes na ilipat si Jasmine sa Kapamilya Network.

Ayon pa sa tsika, itatambal daw si Jasmine kay Daniel Padilla sa isang proyekto. Ano kaya ang reaction ni Kathryn Bernardo? Magkaroon kaya ng violent reaction ang Kathniel fans?

Matatandaang nagkaroon ng isyu noon nang lumabas sa social media ang recording ng boses ni Daniel na may sinabi siya patungkol kay Jasmine. May violent reaction ang Kathniel fans at binash nila si Jasmine. Maulit kaya ’yun kapag totoo ang tsikang lilipat siya sa ABS-CBN? Abang-abang na lang pag may time.

Nasa Japan
Nasa Japan din ang mag-asawang Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista. May extension ang kanilang honeymoon sa Paris na next destination nila after Japan. Favorite place ni Heart ang Paris, kaya gusto niyang bumalik doon. First trip nila roon ni Sen. Chiz noong mag-BF-GF pa lang sila. Gusto sana ni Heart na doon mag-propose ng marriage sa kanya si Sen. Chiz. Sa bayan nito sa Sorsogon nag-alok ito ng kasal kay Heart.

By the way, may bagong teleseryeng gagawin si Heart sa GMA kung saan makakasama niya ang BFF niyang si Lovi Poe.

dindo jake fernando

Artista na rin
Artista na rin ang apo ng yumaong mahusay na actor na si Dindo Fernando. Kasama si Dindo Jake Fernando, Jr. sa “1 Day, 1 Araw (I Saw Nakakita).” Incoming Grade VI si DJ sa Xavier School na Jake Ryan Rafael ang tunay na pangalan.

Napapanood ni DJ ang mga lumang pelikula ng kanyang Lolo Dindo sa cable TV, kaya naengganyo siyang mag-artista. Bilib nga kay DJ si Dinky Doo, direktor ng “1 Day, 1 Araw.” Aniya, natural umarte ang bagets at madaling makakuha ng instructions.

Launching movie ito ni Alaina Jezl Ocampo at susunod na isasalang ni direk Dinky si DJ sa “Hating Kapatid Rock n Roll Bang.”

comments