Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Coco-Toni teamup mabili kaya?

Coco-Toni teamup mabili kaya?

coco and toni

SHOWING today sa mga sinehan nationwide ang “You’re My Boss.” Huhusgahan na ang unang tambalan nina Coco Martin at Toni Gonzaga. Confident ang Star Cinema natatangkilikin ito ng moviegoers dahil lahat daw ng naging Black Saturday offerings nila’y maganda ang resulta sa takilya.

Aminado ang director na si Antoinette Jadaone na sobrang pressured siya sa pelikulang ito. First mainstream movie directorial job niya ito, kaya sobrang thankful siya sa Star Cinema sa pagkakataong ibinigay sa kanya.

Indie films ang ginagawa ni Jadaone, isa na rito ang “That Thing Called Tadhana,” kung saan nanalong Best Actress si Angelica Panganiban sa isang award-giving body.

Magawa kaya niyang Best Actress si Toni sa “You’re My Boss”?

“I think, grandslam!” ang walang kagatul-gatol na sabi ni Jadaone noong tanungin siya sa presscon.

Abangan natin kung magkakatotoong hahakot ng best actress award si Toni sa pelikulang ito.

Balik-alaala
Ngayong Sabado de Gloria, sariwain at balikan ang mga eksena sa “Pari Koy: Ang Pagdating ng Blessing.” Ang pagsisimula ni Father Kokoy (Dingdong Dantes) bilang kura paroko ng San Agustin hanggang pagharap niya sa mga hamon sa Bgy. Pinapagpala.

Patuloy na umaani ng mga papuri at positive comments ang faith-serye mula sa mga tagasubaybay pati kaparian sa Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP). Tunghayan ang pagbabalik-alaala sa “Pari Koy” mula 11: 30 a.m. hanggang 3 p.m.

Sunshine Dizon

Wedding anniversary
Nag-dinner lang sa bahay nila ang mag-asawang Sunshine Dizon at John Timothy Tan noong wedding anniversary nila kamakailan lang. Kasama nila ang dalawa nilang anak na sina Doreen at Anton, 3 and 2 years old, respectively.

Naka-base sa Guagua, Pampanga ang pamilya ni Sunshine dahil may business doon ang husband niya. May half-way house sila sa QC at doon umuuwi si Sunshine kapag ginagabi o inuumaga siya sa taping ng “Pari Koy.”

Respect for each other, tiwala sa isa’t isa at kailangang pag-usapan lahat ng bagay ang sikreto ng matibay at matatag nilang samahan bilang mag-asawa, ayon kay Sunshine.

comments