Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Chynna cuts hair short for tomboy role

Chynna cuts hair short for tomboy role

Chynna Ortaleza

Chynna Ortaleza

PINATAY ang karakter ni Chynna Ortaleza sa “Second Chances” dahil kasama siya sa bagong teleseryeng pagbibidahan ni Marian Rivera, ang “The Rich Man’s Daughter.” Gaganap si Chynna bilang Butchi, isang lesbiyanang astigin nalalaking-lalaki kumilos at manamit.

Ani Chynna, interesting at challenging for her ang role, kaya excited siya sa bago niyang teleserye sa GMA7. Next month ang airing nito.

Without hesitation, pumayag si Chynna ipaputol ang mahaba niyang buhok para magmukha talaga siyang tomboy.

Enjoy!
Sobrang nag-enjoy si Juancho Trivinio noong nag-taping siya sa Zambales kasama ang cast members ng “InstaDad.”

Aniya, masarap katrabaho ang co-actors niya, pati si direk Neal del Rosario. “Mabait si direk. Very patient, very cool at parang tatay namin,” sambit ni Juancho.

All praises din siya kay Gabby Eigenmann na sobrang friendly, super cool at supportive sa lahat ng katrabaho nito sa “InstaDad.” Mapapanood ito every Sunday starting today at 4:30 p.m sa GMA7.

Si Ash Ortega ang love interest ni Juancho sa “InstaDad.” Gusto rin niyang makatrabaho si Julie Anne San Jose.

Despite his busy schedule, patuloy pa rin si Juancho sa kanyang pag-aaral. He’s taking up Business Management sa De La Salle University-Manila. Gusto niyang magkaroon ng sariling business.

Thanksgiving event
Pinasaya ng cast ng “Yagit” ang mga bata mula sa He Cares Foundation. Isinama nila ang mga ito sa Enchanted Kingdom, Sta. Rosa, Laguna noong nakaraang Linggo (March 29). Nagkaroon ng gift-giving, fun games at entertainment.

Thanksgiving event na rin ang ginanap na “Summer Fun at Enchanted Kingdom: Gift ng Yagit sa Kids.”

’Andun sina Chlaui Malayao, Jimwell Ventinilla, Zymic Jaranilla, Judie de la Cruz, Steph Yamut, Renz Fernandez, LJ Reyes, Bettina Carlos, Kevin Santos, James Blanco, Maricris Garcia, Ina Feleo at Yasmien Kurdi na kasama ang kanyang husband and daughter.

“Iba talaga ang feeling na nakakapagpasaya ka ng mga bata. Masaya rin ako dahil nagging bahagi kami ng family ko sa ganitong event,” ani Yasmien.

comments