Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Bea denies she’s pregnant

Bea denies she’s pregnant

Bea Alonzo

Bea Alonzo

FALSE alarm ang balitang buntis si Bea Alonzo. Pinabulaanan niya ito sa post niya sa kanyang Instagram account. Aniya, hindi totoo at katawa-tawa lang ang pregnancy issue about her. Deadma na lang siya.

Sa Japan sila nag-Holy Week ng boyfriend niyang si Zanjoe Marudo. Hindi kasi visible sa TV si Bea, kaya natsismis na buntis siya. Abala kasi siya sa ginagawang pelikula under Star Cinema.

Katawa-tawa rin
Katawa-tawa rin ang pagli-link kina Maxene Magalona at Edgar Allan Guzman. May binuo pang EMax love team (kuno!) ang dalawa.

Kailangan ba talagang i-link sila sa isa’t isa? Eh, parang wa epek naman ’yun sa nakukuha nilang individual votes sa performances nila sa “Your Face Sounds Familiar.”

Mababa pa rin ang nakukuha nilang boto mula sa judges na sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano at Jed Madela kumpara sa ibang kalaban nilang impersonators.

Single si Maxene, pero si Edgar, “taken” na siya. Meron siyang Shaira Mae na taga-TV5. We hate to think na kuno’y nagkakalabuan o magbi-break na sina Edgar at Shaira para lang may kilig-kiligang factor ang EMax love team. Cheap huh!

Guessing game
Guessing game pa rin kung matutuloy ang paglipat ni Ai Ai de las Alas sa GMA7. Kasama siya sa cast ng “Let the Love Begin,” pero wala siya sa ginanap na storycon. Wala siyang malinaw na sagot kapag tinatanong siya ng mga malalapit na entertainment writers sa kanya. Paduda effect si Ai Ai?

Nag-backout naman si Regine Velasquez dahil diumano’y ayaw niya ng mother role sa isang teenager. Iniisip naman ng iba na baka iniwasan lang ni Regine makatrabaho ang ex-boyfriend niyang si Ariel Rivera na kasama rin sa cast ng “Let the Love Begin.”

Which is which nga kaya ang dahilan ni Regine? Launching ng love team nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia ang LTLB na mapapanood sa GMA7 soon.

comments