Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Bianca King feels indifferent to ex-BF Dennis Trillo

Bianca King feels indifferent to ex-BF Dennis Trillo

Bianca King

Bianca King

PAREHONG sa text lang nakipag-break sina Luis Manzano at Dennis Trillo kina Jennylyn Mercado at Bianca King, respectively. Ex-girlfriends ni Dennis sina Jennylyn at Bianca.

Ang loudest whisper ay diumano, nagkabalikan sina Dennis at Jennylyn.

Maang-maangan (kuno!) si Bianca nang sabihin ’yun sa kanya ng showbiz writers noong presscon ng “Showbiz Konek Na Konek.”

“Ngayon ko lang nalaman sa inyo (showbiz writers). Itsetsek ko mamaya sa Instagram ni Jen. Pina-follow ko siya, eh!” sambit ni Bianca.

Hindi raw niya pina-follow si Dennis. Sobrang na-hurt siya noong nakipag-break sa kanya ang Kapuso actor sa pamamagitan lang ng text, ayon kay Bianca. Respeto na lang daw sana at better daw kung nag-usap sila nang personal.

It took her one month daw bago siya naka-get over sa break-up nila ni Dennis.

A few weeks after they broke up, once or twice silang nagkasalubong ni Dennis noong nasa GMA7 pa siya, ayon kay Bianca. “Indifferent ako sa kanya. Pero hindi ’yung tipong namatayan ako. Frozen lang,” ani Bianca.

Willing siyang interbyuhin si Dennis kung may gusto raw itong i-promote sa “Showbiz Konek Na Konek,” ayon kay Bianca.

Dream come true sa kanya na showbiz talk show host na siya ngayon. “I’m willing to learn, to hone my craft. As a host, I want to be sensitive, considerate of others’ feelings. Ayokong mawalan ng kaibigang artista. I’ll make sure na hindi ako makaka-offend, balance lang,“ pahayag ni Bianca.

Co-hosts niya sa SKNK sina IC Mendoza at MJ Marfori. Napapanood ito from Monday to Friday, 11 a.m. sa TV5.

And more
Naki-party sina Chynna Ortaleza, Katrina Halili at Glaiza de Castro sa exclusive party ng Women on Top. Samahan ito ng mga tomboy. Isinama sila ng production team ng “The Rich Man’s Daughter” para mas lalo nilang maintindihan ang mga karakter nila bilang mga tomboy sa naturang teleserye sa pamamagitan ng immersion.

Sa “Pari Koy,” malaki ang pananalig ni Pinggoy kay Papa Jesus na mapapagaling Nito ang kanyang nanay Ana. Sinabihan siya ni Father Kokoy na Ito ang pinakamagaling na doktor. Taimtim na nagdasal si Pinggoy.

Sa “Once Upon a Kiss,” nakipag-deal si Prince sa kanyang mama Giselle na lalayuan na niya si Ella at hindi na siya magpapakita. Kapalit ng tsekeng ibibigay ni Giselle para sa pagpapa-opera ni Ella.

comments