Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » More serious IC Mendoza returns as talk show host

More serious IC Mendoza returns as talk show host

IC Mendoza

Balik-showbiz talk show host si IC Mendoza matapos mawala ang “Juicy” kung saan co-host siya nina Cristy Fermin at Alex Gonzaga. Sa bagong showbiz talk show ng TV5, ang “Showbiz Konek Na Konek (SKNK)” co-hosts ni IC sina Bianca King at MJ Marfori. Napapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 11 a.m.

Big challenge kay IC at honored siya sa sinasabing siya ang heir apparent at royalty of intrigues, being the grandson of the late Queen of Intrigues na si Inday Badiday and the son of Dolly Anne Carvajal.

“I’m trying my best to make them proud of me,” ani IC sa presscon ng SKNK. Feeling ko, mas mature, mas seryoso na ako ngayon. Hindi lang bakla-baklaan,” ani IC.

May special segment si IC every Monday, “I.C.U.,” kung saan nagbabahagi siya ng balita tungkol sa dinaluhan niyang showbiz events. Given the chance, gusto niyang interbyuhin si Jessica Soho. “I’m a big fan of hers,” ani IC.

Carlo Gonzales

First time
Cousins in real life sina Dingdong Dantes at Carlo Gonzales. Magkasama sila sa “Pari Koy” at thankful si Carlo sa suportang ibinibigay sa kanya ni Dingdong. Never ipinaramdam ng huli na mas sikat ito sa kanya.

Gumaganap na Simon sa PK si Carlo at aniya, first time niyang gumanap ng father role (anak niya si Jillian Ward bilang Sarah). Challenge ’yun sa kanya dahil wala pa siyang anak. Nahihirapan daw siyang humugot ng emosyon sa mabibigat na eksena niya bilang ama.

First time rin ni Carlo katrabaho si Sunshine Dizon na gumaganap bilang asawa niya sa PK. “Magaan siyang katrabaho. She’s so giving sa mga eksena namin. Hirap lang ako sa mga eksenang sinasaktan ko siya dahil pinalaki akong mataas ang respeto sa mga kababaihan,” saad ni Carlo.

Samantala sa “Pari Koy,” maaawa si Father Kokoy kay Pinggoy na natutulog sa tabi ng kabaong ng nanay Ana nito. May sakit na leukemia si Joshua, kaya overprotective sa kanya ang daddy Jude (Gabby Eigenmann) niya.

Bad
Bad ang karakter ni Alessandra de Rossi bilang Lulu sa “Yagit.” Ginawan niya ng ritwal si Elisa (Chlaui Malayao) para mawala ang alaala nito at siya ang kilalaning ina ng bagets.

Nang nakita ni Dolores (Yasmien Kurdi) si Elisa sa mall, hindi na siya kilala nito. Maibalik pa kaya ang alaala ni Elisa?

Sa “Once Upon a Kiss,” tagumpay ang operasyon kay Ella at muli siyang nakakita. Nang pumasok na siya sa eskuwelahan ay nakita niya si Prince. Tinawag niya ito. Subali’t dinedma siya nito at iniwasan. Takang-taka si Ella sa hindi pagpansin sa kanya ni Prince.

comments