Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Isko giving way to Erap

Isko giving way to Erap

Gwen Zamora

NAHIHIYA si Bianca King tanungin sina Gwen Zamora at Ellen Adarna tungkol sa isyung ang ex-boyfriend ni Gwen na si Raymond Romualdez ay present BF ni Ellen. Ani Bianca, pareho sila ng manager ni Gwen at pareho naman sila ng handler ni Ellen.

Maganda sanang interbyuhin ni Bianca na magkahiwalay sina Gwen at Ellen para sa “Showbiz Konek Na Konek” kung saan host si Bianca, kasama sina IC Mendoza at MJ Marfori. Ayon kay Bianca, hinihintay niyang mag-open up sa kanya sina Gwen at Ellen. Kung okey sa dalawa pag-usapan ang isyu, go!

Kung magkakaroon naman ng isyu o kontrobersiya about her, handa siyang harapin at pag-usapan ’yun sa SKNK, ayon kay Bianca. SKNK airs Monday to Friday, 11 a.m. sa TV5.

Ayaw kalabanin
Sa October na ang filing ng candidacy para sa mga tatakbo sa 2016 elections. Kaya ba napapanood na ang TV ad ni Vice Mayor Isko Moreno? Palaisipan kung kakandidato ba siya sa higher position (senator ba?) dahil diumano’y tatakbo uling mayor ng Manila si Mayor Joseph Estrada para maipagpatuloy ang kanyang mga programa.

Ayaw kalabanin ni VM Isko si Mayor Erap, kaya may balitang diumano’y ibang position na lang ang tinatarget niya. Last term na ni Moreno bilang vice mayor ng Manila. Nabalita noong ginu-groom siya ni Mayor Erap bilang kahalili nito. Pero dahil gusto pa diumano ng isang term ni Mayor Erap, no choice si VM Isko kundi magbigay-daan kay Mayor Erap.

Abang-abang na lang kung ano’ng position sa gobyerno ang inaambisyon ni VM Isko. Qualified naman ang dating actor dahil proven and tested na ang pagiging public servant niya.

Charee Pineda

Big achievement
Sa kabila ng kaabalahan ni Charee Pineda bilang konsehala ng Valenzuela, Bulacan at pag-aartista, naka-graduate siya ng college nitong nakaraang March. Balak niyang pumasok sa law school para ipagpatuloy ang pag-aaral.

Proud si Charee na mataas ang grades niya sa ginawa niyang thesis at pagdepensa rito. Aniya, isang malaking achievement ’yun para sa kanya.

Kasama si Charee sa cast ng “The Rich Man’s Daughter” with Marian Rivera, Chynna Ortaleza, Glaiza de Castro, Katrina Halili, Luis Alandy, among others. Mula sa direksiyon ni Dominic Zapata.

Na-challenge naman si Katrina na magpapayat dahil baka raw siya magmukhang tiyahin nina Marian, Chynna at Glaiza. “Ang papayat nila, di ba?” ani Kat. Kaya nag-effort daw siyang magpapayat para maka-level up siya sa co-Kapuso stars niya.

comments