Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dong and Yan may big announcement

Dong and Yan may big announcement

Dingdong Dantes and Marian Rivera

HAHARAP sa entertainment press ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa isang special announcement. Balitang buntis na si Marian sa first baby nila ni Dingdong. Marami ang excited sa magiging little bundle of joy ng Kapuso Primetime King and Queen at tiyak daw na guwapo o maganda ang magiging little Dingdong o little Marian.

Wish naman talaga ni Marian na magka-baby na sila ni Dingdong this year. Ikinasal sila on Dec. 30, 2014.

Next month na ang airing ng “The Rich Man’s Daughter,” unang teleserye ni Marian ngayong may asawa na siya. Magagawan naman ng paraan ni direk Dominic Zapata at ng writers ng programa para mai-adjust sa kalagayan ni Marian ang daloy ng kuwento ng TRMD.

Nagte-taping na ang cast at natutuwa sila dahil parating may dalang chocolates si Marian para sa lahat. Pampa-high raw ng kanilang energy sa pagtatrabaho nila. Parati rin daw nakangiti si Marian na nakakadagdag sa kanilang energy. Good vibes sila parati sa set.

Luis Alandy

Feeling blessed
Feeling blessed si Luis Alandy na kasama siya sa cast ng “The Rich Man’s Daughter” at leading man pa siya ni Marian Rivera. Post nga niya sa kanyang Instagram account: “Words can’t explain the feeling! Truly grateful to be paired with the most beautiful and the biggest heart in the business@therealmarian. Thank you LORD!”

Ayon pa kay Luis, hindi lang siya bilib sa pag-arte ni Marian, kundi sa pag-aalaga pa nito sa co-actors niya. Hindi raw ipinaparamdam ni Marian na mas nakakaangat (o sikat) siya sa mga katrabaho niya.

Bago nagsimulang mag-taping si Luis ng TRMD, dalawang indie films ang ginawa niya, “Anino sa Likod ng Buwan” with LJ Reyes at “Mandirigma.” Busy-bisihan din si Luis sa iba’t ibang summer activities, biking at outdoor sports kasama ang kanyang mga kaibigan.

Naunahan pa
Naunang pumirma ng kontrata sa GMA Network ang anak ni Ai-Ai de las Alas na si Sancho. Pero mauunahan pa siya ng kanyang mommy magkaroon ng show. At take note, apat agad ang nakalatag na gagawin ni Ai-Ai sa Kapuso Network.

Magkakaroon pa ng welcome presscon para sa Comedy Concert Queen. Ikaw na ang maging reyna! Ikaw na talaga, Ai-Ai!

Busy-bisihan pa si Sancho sa workshops bago siya isabak sa trabaho ng GMA. Nice idea rin sana kung pagsasamahin sa isang show sina Ai-Ai at Sancho.

comments