Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Willie inaming malungkot siya

Willie inaming malungkot siya

WILLIE Revillame

A kabila ng mga luho at karangyaang tinatamasa ngayon sa buhay ni Willie Revillame, inamin niya kay Jessica Soho sa programa nitong “Kapuso Mo Jessica Soho” na malungkot siya.

Ani Willie, nagpapasaya siya ng mga tao, pero kapag mag-isa na lang siya sa bahay niya’y doon siya nakakaramdam ng lungkot.

Napansin nga ni Jessica na may lungkot sa mga mata ni Willie.

Nag-iisa lang kasi si Revillame. Walang sariling pamilya na inuuwian. Bongga ang bahay niya sa isang exclusive subdivision, imported at mamahalin ang mga kagamitan, pati kanyang mga sasakyan. Can afford siyang bilhin ang anumang magustuhan niya. Subalit empty pa rin ang feeling niya.

Aniya, darating din ang araw na mag-aasawa siyang muli. Kung kailan, abang-abang na lang. Willie had two failed marriages. First wife niya si Princess Punzalan; childless sila. Second wife niya si Liz Almoro at may anak silang lalaki named Juamee. Si Meryll Soriano ay anak naman ni Willie kay Bec-Bec Soriano na kapatid ni Maricel Soriano.

Ipinakita rin sa KMJS ang super bonggang bahay ni Willie sa Tagaytay Highlands, ang kanyang yate at eroplano. May apat na palapag siya sa Wil Tower sa QC, malapit sa ABS-CBN.

Ayon kay Willie, kung anumang meron siya ngayon’y pinaghirapan niya ‘yun. Inamin din niyang nag-casino siya noon bilang libangan, pero tumigil na raw siya.

Focused siya ngayon sa ipinapatayong studio sa Kalayaan Avenue, QC para sa kanyang bagong game show, “WowoWin.” Panay rin ang meeting niya sa production staff para sa mga detalye ng WWW na si Randy Santiago ang direktor. Sa May 3 or May 10 ang initial telecast nito sa GMA7 pagkatapos ng “Sunday All Stars.”

Lovable
Kung may Alonzo Muhlach ang ABS-CBN na napapanood sa “Inday Bote,” meron namang David Remo ang GMA na napapanood sa “Pari Koy.” Parehong cute, lovable at halos magkasing-edad ang dalawang bagets na parehong kinagigiliwan ng televiewers.

Very natural umarte si David at kayang makipag sabayan sa mga older star na kasama niya sa PK. Sa mga eksena nila ni Dingdong Dantes (Father Kokoy), halatang tuwang-tuwa ang Kapuso Primetime King kay David.

Off-camera, makulit at hyper si David. Typical normal kid na mahilig maglaro. Pero kapag nasa harap na ng kamera, naibibigay niya ang tamang pag-arte na kailangan ni direk Maryo J. De los Reyes.

Samantala, bukod kay Alden Richards na lumabas na ang karakter bilang batang Kokoy sa “Pari Koy,” abangan din ang paglabas nina Carla Abellana at Martin del Rosario. Gaganap si Carla bilang love interest ni Dingdong bago siya naging ganap na pari. Lover naman ni Hiro Peralta, na isang bading, ang karakter ni Martin.

comments