Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Gerald, twice nang umiyak sa break-up

Gerald, twice nang umiyak sa break-up

Naalala naming naging emotional din si Gerald Anderson sa presscon ng isang pelikula nila noon ni Kim Chiu.

Gerald Anderson

Naitanong ‘yung tungkol sa relasyon nilang dalawa. That time, break na sila. Napaiyak si Gerald at nag-walkout pa siya. Si Kim, composed lang. Prim and proper pa rin ang drama.

Noong presscon ng “Nathaniel,” naging emotional muli si Gerald nang kumpirmahin niya na break na sila ni Maja Salvador. Gano’n ba talaga si Gerald kapag natatapos ang pakikipag-relasyon niya? O, nagi-guilty siya dahil siya ang nang-iwan? May tsika kasing diumano, si Gerald ang nakipag-break kina Kim at Maja. Sadya bang heartbreaker si Gerald?

In any case, magsisimula nang mapanood ngayong Lunes ang “Nathaniel” sa ABS-CBN Primetime Bida. First time magkatambal sina Gerald at Shaina Magdayao.

May bagong child star na mamahalin ang televiewers, si Marco Masa na gumaganap bilang Nathaniel. Isa siyang angel na bumaba sa lupa para ibalik ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos at ipaalaala ang likas na kabutihan ng puso ng bawat isa.

Carla Abellana and Tom Rodriguez

Sigurista
Parang ayaw naming maniwala sa sinabi ni Carla Abellana na hindi pa sila officially together ni Tom Rodriguez.

Feeling namin at ng ibang entertainment writers na kausap ni Carla sa pocket presscon ng GMA7 para sa pagpasok ng karakter niya sa “Pari ‘Koy” ay ginu-good time lang niya kami.

Sabi ni Carla, gusto niyang masiguro muna ang nararamdaman niya para kay Tom and vice-versa. Extra-careful na raw siya ngayon dahil ayaw na niyang masaktan.

Ani Carla, pwede pa siyang mag-entertain ng ibang suitors. Kaya lang, walang ibang nanliligaw sa kanya. “Dahil siguro kay Tom (laughs). Akala kasi nila, ‘kami’ na talaga. Wala pa talaga,” giit ni Carla.

Dalawa na ang bahay ng Kapuso actress. Isa sa QC at isang resthouse sa Tagaytay. Doon siya nag-Holy Week with her family. Hindi niya nabanggit kung kasama si Tom.

Isa rin si Carla sa most-sought after product endorsers. She has ten endorsements, na latest ang Sunsilk at BDO.

Wala pa siyang bagong regular teleserye sa GMA at special participation lang siya sa “Pari ‘Koy.” Ayon sa executive producer ng show, kasama si Carla hanggang katapusan ng PK. Matagal-tagal pa ang itatakbo ng show, kaya natuwa naman si Carla.

Samantala, mamaya sa “Pari ‘Koy,” kung kailan pa naging super close sina Father Kokoy (Dingdong Dantes) at Pinggoy (David Remo), saka naman kukunin ng taga-DSWD si Pinggoy. Nilakad ni Madam Martha (Chanda Romero) na paghiwalayin ang dalawa dahil bawal sa isang pari ang mag-ampon ng bata.

Naka-relate
Naka-relate si Janno Gibbs sa theme song ng “Ang Dalawang Mrs. Real,” ang “Ikaw, Ako at Siya” na sinulat niya ang lyrics. Kasama ito sa kanyang latest album, “Novela” under GMA Records. Ayon kay Janno, inspired ito sa nangyari noon sa totoong buhay niya. Hindi lang siya nagbigay ng detalye.

Hindi na siya chickboy ngayon, ayon kay Janno. Twenty-five years na silang married ni Bing Loyzaga. Twenty-six years old na ang panganay nilang si Alyssa. Nauna kasing ipanganak ito bago sila nagpakasal ni Bing. Seventeen years old naman ang pangalawa nilang anak na si Gabrielle.

comments