Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Luis, nanghinayang kay Marian

Luis, nanghinayang kay Marian

Luis Alandy

Nalungkot at nanghinayang si Luis Alandy sa pagka-udlot ng pagsasama nila ni Marian Rivera sa “The Rich Man’s Daughter.” Excited pa naman si Luis at looking forward siya na mag-taping ng mga eksena nila together. Nag-withdraw na si Marian sa show dahil sa delicate condition niya ngayong two months pregnant siya sa first baby nila ni Dingdong Dantes.

Suportado pa rin ng GMA7 si Marian at mapapanood pa rin siya sa ilang programa ng Kapuso Network. Ipinagdarasal din ang happy at healthy pregnancy ni Marian.

Wala pang official statement ang GMA kung itutuloy pa rin ang TRMD. Kung itutuloy, sino naman kaya ang pwedeng ipalit kay Marian? May nagsa-suggest na pwede raw si Heart Evangelista o si Carla Abellana o, kaya’y si Lovi Poe. Ang mga ito raw kasi ang malapit-lapit na ka-level ni Marian. Abang-abang na lang sa desisyon ng GMA kung itutuloy pa rin ang TRMD o ise-shelve na lang.

Carla Abellana

Manang
Manang ang tawag kay Carla Abellana noong college student siya. Hindi kasi siya sumasama sa mga out-of-town trips at mas gusto pa niyang sa bahay na lang at mag-aral.

Aniya, na-overcome lang niya ang pagka-manang noong nag-showbiz siya. Kailangan kasi sa trabaho niya bilang artista na parating nasa labas ng bahay. Natutunan din niya ang makipag-PR at makisama sa mga taong nakakasalamuha niya.

Bago nag-showbiz si Carla ay isa siyang pre-school teacher. Naka-relate nga siya sa role niya sa “Pari ‘Koy” na isang teacher ang role niya. Older students nga lang ang tinuturuan niya. Minsan, kapag break time nila’y kumakanta siya ng kindergarten songs. O, di kaya kapag nai-stress siya.

Hunk walang pumansin
Sa isang umpukan ng mga reporter ay napag-usapan ang isang hunk actor (HA). Nanood ito ng show ng isang singer na ginanap sa isang bar-restaurant.

Ayon sa isang reporter, nabawasan na talaga ang popularidad ng HA. Halos wala raw pumapansin kahit panay ang rampa nito. Nakita pa nila itong nakapila sa kuhanan ng drinks. Dati nga naman kasi’y may kasama itong alalay na siyang nag-aasikaso sa HA.

Reunion ng exes
Sayang at pinatay agad ang karakter ni Keempee de Leon sa “Once Upon A Kiss.” Reunion sana ‘yun ng mga exes. Ex-boyfriend ni Manilyn Reynes si Keempee.

Ex-boyfriends naman ni Tina Paner sina Cris Villanueva at Ramon Christopher na magkakasama rin sa OUAK.

In any case, mamaya sa OUAK, dahil sa depression, bumagsak sa quizzes si Prince.

comments