Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Janice, damay sa Gerald-Maja

Janice, damay sa Gerald-Maja

RHIAN Ramos

Si Rhian Ramos ang choice ng GMA7 na ipalit kay Marian Rivera sa “The Rich Man’s Daughter.” Laking pasasalamat ni Rhian sa Kapuso Network sa tiwalang ibinigay sa kanya para gampanan ang role bilang Jade Tanchingco.

Nag-taping na si Rhian na aniya, big challenge sa kanya ang gumanap bilang isang lesbian. Welcome naman sa cast ng TRMD na si Rhian ang kapalit ni Marian. Huling napanood si Rhian sa “Genesis” with Dingdong Dantes. Co-incidence nasa bagong primetime series ni Rhian ay ang misis naman nitong si Marian Rivera ang pinalitan niya.

Jolina Magdangal

Wagi na naman
Pangalawang beses nang nanalo si Jolina Magdangal sa “Your Face Sounds Familiar.” ‘Kaaliwang performance niyanitong nakaraang Linggo (April 19) na inimpersonate niya si Manny “Pacman” Pacquaio. Timing ang panalo ni Jolens na sana’y ganito rin ang mangyari kay Pacquaio sa laban nito kay Floyd Mayweather on May 3.

Ang galing ng make-up artist ni Jolens na “Pacman na Pacman” ang dating niya. Pati boses at galaw ni Pacman, gayang-gaya niJolina na hindi rin nalayo ang height sa Pambansang Kamao.

Next week, panibagong challenge kay Jolens ang gagawin niyang pagi-impersonate kay Jaya. Sa huling interbyu namin kay Jolens, wish niyang mapasama siya sa Final Four. Magkakaroon ng elimination na aniya, kapag apat na lang ang finalists ay magkakaroonna ng text voting.

Ang fear ni Jolens, kapag nakasama sa Final Four si Karla Estrada ay malaki ang posibilidad na ito ang magwagi. For sure nga naman na hindi pababayaan ng fans ni Daniel Padilla si Karla.

Third party?
Ano ba ‘yan? Lumulutang ang pangalan ni Janice de Belen na diumano’y third party sa hiwalayan nina Gerald Anderson at Maja Salvador. True ba ito?

Nag-umpisasa blind item ang pag-link kina Gerald at Janice. Wala pang reaction si Janice nang pangalanan na sila ni Gerald. Balitang nagbabakasyon sa Bangkok, Thailand ang aktres.

Nagkatrabaho sina Janice at Gerald sa “Budoy,” teleserye ng ABS-CBN kung saan gumanap sila bilang mag-ina. That was in 2011. Ayon sa nasagap naming tsika, since then ay naging mabuting magkaibigan sina Janice at Gerald. Diumano, paminsan-minsan ay nagpupunta pa si Gerald sa bahay ni Janice. Pero friendly visit lang daw, walang halong malisya.

Bakit noong nag-break sina Gerald at Maja ay lumutang ang pangalan ni Janice? Nadawit siya at nali-link ngayon kay Gerald. Magkahiwalay naman sila ng teleserye. May “Nathaniel” si Gerald, napapanood naman si Janice sa “OMG (Oh! My God)”.

Ang ex-husband ni Janice na si John Estrada ay several years younger sa kanya. Mas bata rin si Gerald kay Janice. He is 26 years old, 46 naman si Janice. Sabagay, age doesn’t matter. Ask mommy Dionisia Pacquiao and AiAi delas Alas na much younger sa kanilang respective boyfriends nila.

comments