Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » BB, ‘yakap na yakap’ na ni Robin

BB, ‘yakap na yakap’ na ni Robin

Robin Padilla

NO show si BB Gandanghari sa presscon ng “2½ Daddies” Season 2. Nagkaroon siya ng minor accident dahil sumemplang siya sa motorcycle. Pinagte-training kasi siya ng mga kapatid niyang sina Rommel at Robin Padilla para sa gagawin nilang motorcycle tour sa buong Pilipinas sometime in October this year.

Ayon kay Robin, laking pasasalamat niya sa TV5 na pinagsama silang magkakapatid (Rommel, BB at siya) sa “2½ Daddies” dahil nawala ang “wall” sa kanila ni BB. Natanggap na nila ng buong-buo ang pagkatao ngayon ni BB.

“Yakap na yakap na namin ang pagiging ‘babae’ ni BB. Nagba-bonding kami sa set, nag-aasaran,” lahad ni Robin.

Pagkatapos ng second season ng “2½ Daddies,” aalis papuntang Spain si Robin. Aniya, nagpaalam na siya kay Ms. Wilma Galvante, chief entertainment content officer ng TV5. Magri-research siya tungkol sa kanilang family tree, kung saan nagsimula ang pamilya Padilla. Kasamang aalis ni Robin ang misis niyang si Mariel Padilla.

Wish lang niya
Concept ni Rommel Padilla ang “2½ Daddies,” kaya happy silang magkakapatid (Robin at BB Gandanghari) na tinangkilik ito ng televiewers. Nagkaroon pa ng Season 2.

Sa Season 1, apo ni Rommel (anak ng anak niyang si RJ Padilla) ang gumanap na Baby Bamba. Sa Season 2, ang four-year-old daughter naman ni Rommel na si Aryanna ang gaganap bilang little girl.

Airing every Saturday sa TV5 at 8 p.m., magsisimula ang Season 2 ng “2½ Daddies” ngayong Sabado (April 25). Tampok din sina Celia Rodriguez, Dennis Padilla, Cacai Bautista at iba pang celebrity guests.

Wish ni Rommel na mag-guest ang anak niyang si Daniel Padilla. Alam niyang gustung-gusto ni Daniel ito, kung papayagan lang siya ng ABS-CBN. Para yatang suntok sa buwan ’yun.

Kasama ni Rommel sa presscon ng “2½ Daddies” ang present partner niyang pregnant sa ewan kung pang-ilan na nilang anak. “Mas matanda pa ang apo ko sa magiging anak ko (laughs),” ani Rommel.

Matatapos na
Last two weeks nalang ang “Once Upon a Kiss.” Final episode nito on May 1. Lungkut-lungkutan sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali dahil mami-miss nila ang taping nito, pati ang mga katrabaho nila sa OUAK.

Patuloy na subaybayan ang mga kaganapan at umaasa ang fans ng Biguel (Bianca-Miguel) na happy ang ending ng OUAK.

comments