Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Janice hits back at accusers

Janice hits back at accusers

Janice De Belen

NAG-REACT na si Janice de Belen sa isyung diumano’y siya ang third party involved sa break-up nina Gerald Anderson at Maja Salvador.

Ramdam ang galit ng aktres sa quote na pinost niya sa kanyang Instagram account. “Rumors are carried by haters, spread by fools and accepted by idiots.”

Sino-sino kaya ang “natamaan” sa quote na ’yun ni Janice?

Ang isa pa niyang post: “Never judge someone by the opinion of others.”

Nasa Bangkok, Thailand si Janice nang pumutok ang isyu sa kanila ni Gerald. Sino naman kaya ang kasama ni Janice? Bakit kaya wala pang pahayag si Gerald para malinis ang pangalan ni Janice kung totoo ngang wala itong kinalaman sa break-up nila ni Maja?

MAJA Salvador

Hanggang salita lang?
Kung heartbroken ngayon si Maja Salvador, mukhang happy heart naman ang former BFF niyang si Kim Chiu. Or just pretending lang kaya si Kim?

Hindi pa rin maamin ni Kim ang totoong estado ng relasyon nila ni Xian Lim. Hindi niya masagot ang pangungulit ng press kung in love ba siya? Basta ang sabi lang ni Kim, happy siya.

Tungkol sa break-up nina Gerald Anderson at Maja Salvador, ani Kim, irespeto nalang daw ang desisyon ng dalawa at ibigay ang hinihinging privacy ng mga ito.

Noong nag-break sina Gerald at Kim, naging shoulder to cry on ni Kim si Maja. Si Maja ang nag-comfort sa kanya. Gawin din kaya ito ni Kim kay Maja ngayong ito naman ang nasa sitwasyon niya noon?

Sabi ni Kim, sobrang okey na sila ngayon ni Maja. Hindi kaya hanggang salita lang ’yun? Almost two months nang break sina Gerald at Maja. Pero bakit sa recent interview kay Kim ay sinabi niyang hindi pa sila nagkikita ni Maja?

comments