Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Carl, deadma sa sexy image ni Kris

Carl, deadma sa sexy image ni Kris

FROM left: Toni Aquino, Carl Guevarra, and comedienne mom Ruby Rodriguez.

ZERO pa rin ang love life ni Carl Guevarra matapos silang mag-break ni Kris Bernal. Wala na silang communication since December last year, ayon kay Carl nang nakausap namin ito sa presscon ng “Wattpad Presents: Lala Laitera” (Ang Laiterang Hindi Naman Pretty).”

Nag-umpisa nang mapanood kagabi ang week-long mini-series na ito sa TV5, 9 p.m., Monday to Friday.

Two years ang naging relasyon nina Kris at Carl at anang huli, nanghinayang siya. Pero ani Carl, naka-move on na siya.

Ano’ng reaction niya sa pa-sexy image ngayon ni Kris?

“Wala lang!” ani Carl. “Kung masaya siya sa gano’ng image, okey lang.”

Pang-apat na “Wattpad Presents” ni Carl ang “Lala Laitera” kung saan kapareha niya ang 16-year-old daughter ni Ruby Rodriguez na si Toni Aquino. Aniya, masaya at magaan ito katrabaho.

Pero kinabahan siya noong kunan ang kissing scene nila ni Toni. ’Andun daw kasi sa set si Ruby na patingin-tingin. Hindi naman daw ito kumontra sa kissing scene nila ng anak nito.

Ibinuking!
Sa presscon ng “Wattpad Presents: Lala Laitera (Ang Laiterang Hindi Naman Pretty),” ibinuking ni Ruby na kalaro sa basketball ni Carl ang daddy ni Toni. Nanonood si Toni kasama ang kaibigan nitong babae. Ayon kay Ruby, kilig-kiligan at guwapung-guwapo ang anak niya kay Carl. Noong alukin si Toni para lumabas sa “Wattpad Presents,” tinext daw nito ang friend at sinabing si Carl ang kapareha niya.

Noong kunan ang kissing scene nina Carl at Toni, hindi na kumontra si Ruby. “Choosy pa ba ako, Carl Guevarra ’yan,” saad ni Ruby.

Panganay si Toni sa dalawang anak ni Ruby sa kanyang non-showbiz husband. Antoinette Nicole ang real name ni Toni at incoming freshman siya sa UP Manila. Dating dancer si Toni ng grupong G-Force at noong bata pa’y paminsan-minsan lumalabas sa “Eat Bulaga.”

Laitera ang role ni Toni sa “Wattpad Presents: Lala Laitera (Ang Laiterang Hindi Naman Pretty).” Aniya, naka-relate siya dahil in real life, laitera siya.

Pero mas nuknukan daw ng laitera ang kanyang mommy Ruby. “Ang nanay ko, laitera rin (laughs),” sambit ni Ruby.

Kasama rin siya sa cast ng “Wattpad Presents: Lala Laitera” at isang diwata ang role niya. Isinumpa niya si Toni (as Lala Lazaro) dahil sa pagiging laitera nito.

comments