Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dingdong for senator?

Dingdong for senator?

jm de guzman and jessy mendiola

WILL it be love is lovelier the second time around for JM de Guzman and Jessy Mendiola?

Inamin nila sa “Gandang Gabi Vice” na nagkabalikan na sila noong April 1 this year. Sweet-sweetan sina JM at Jessy na “Hon” (as in honey) ang kanilang term of endearment.

Anila, two years silang together noon at two years din silang naghiwalay noong nalulong sa masamang bisyo si JM.

Tinanong ni Vice Ganda si Jessy kung hihiwalayan ba niya uli si JM halimbawang bumalik ito sa masamang bisyo. “Hindi dahil alam kong hindi na niya gagawin ’yun,” maigting na sabi ni Jessy.

Eh di, wow! Sana nga, mapanindigan ’yun ni JM ngayong nabigyan siya ng second chance ni Jessy pati sa kanyang career.

DINGDONG Dantes

Kakandidatong senador?
Kasama si Dingdong Dantes sa entourage ni President Noynoy Aquino na nagpunta sa Malaysia para dumalo sa Asean Summit.

Bilang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission, nakipag-dialogue si Dingdong at ibinahagi ang mga plano para sa youth development ng Asian countries.

Muling lumutang ang ispekulasyong kakandidatong senator sa 2016 presidential elections ang Kapuso Primetime King. Diumano’y sa ilalim ng Liberal Party kabilang ang pangalan ni Dingdong sa mga tatakbo bilang senador. As of presstime, wala pang opisyal na pahayag si Dantes kaugnay nito.

Sa October ang filing ng candidacy ng mga kakandidato sa 2016 elections, kaya abang-abang nalang kung papasukin na talaga ni DD ang pulitika.

CARLA Abellana

Samantala, tutok muna siya sa teleserye niyang “Pari Koy.” Pasok na ang karakter ni Carla Abellana bilang Michelle. Isa siyang probinsiyanang nabigyan ng scholarship grant sa US at naging teacher.

Alamin kung ano’ng magiging kaugnayan niya kay Father Kokoy (Dingdong Dantes).

Finale week
Finale week ngayon ng “Once Upon a Kiss” at abangan ang mga kaganapan sa pagtatapos nito. Nagsisi na si Giselle at humingi siya ng tawad sa mga taong nasaktan niya. Magkakabati na sila ni Prince.

Hindi siya makakapunta sa high school prom dahil bagsak siya sa ilang subjects. Makikiusap si Ella sa teacher na magpagawa ng special projects kay Prince na pagtutulungan nilang dalawa.

comments