Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kristoffer and Joyce open to reconciliation

Kristoffer and Joyce open to reconciliation

Joyce Ching

REUNITED sina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa “Healing Hearts,” afternoon drama na mapapanood sa GMA simula sa May 11 pagkatapos ng “Yagit.”

Pero kapwa nila itinangging nagkabalikan sila in real life. They were together for almost three years, pero anila, walang nabago after they broke up. Friends pa rin sila.

Nang alukin sila ng GMA para magkasama sa “Healing Hearts,” walang pag-iinarteng tinanggap nila ang proyekto. Anila, walang awkwardness sa working relationship nila at komportable sila sa isa’t isa. Nagtutulungan sila sa mga eksena.

Sa ipinakitang trailer ng “Healing Hearts” noong presscon ay may kissing scene sina Kristoffer at Joyce, kaya tinukso sila ng press. Posible ba raw kayang magkabalikan sila? Anila, open sila sa possibility, pero ayon kay Joyce, “Mas maganda ’yung binabagalan ang proseso (laughs).”

Ayaw pa magpaligaw
Super close na sila ni Miguel Tanfelix, ayon kay Bianca Umali. Pero wala pa talagang ligawang nangyayari sa kanila.

“Wala namang nagbabawal. Ayoko pa lang talaga mag-entertain ng suitors at alam ’yun ni Miguel. Hanggang friends lang muna kami ngayon,” lahad ni Bianca.

Enjoy-enjoy lang sila sa company ng isa’t isa. Sobrang komportable na sila bilang working partners.

Pareho silang makulit ni Miguel at parati siyang pinapatawa nito, ayon kay Bianca. Okey ba na paghiwalayin ang love team nila ni Miguel? “Okey lang kahit sino’ng itambal sa akin,” sambit ni Bianca.

Ano’ng dapat abangan sa pagtatapos ng “Once Upon a Kiss”? May kissing scene ba sila?

“Secret! Basta happy ending siya. Matutuwa ang televiewers,” ani Bianca.

comments