Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Never been kissed, never been touched

Never been kissed, never been touched

ONLY child si Eunice Lagusad, ang gumaganap na Melody na BFF ni Bianca Umali sa “Once Upon a Kiss” (OUAK). Bago pa siya ipinanganak ng mama niya ay naghiwalay ang kanyang parents, ayon kay Eunice nang nakausap namin siya sa pocket presscon ng GMA7 para sa pagtatapos ng OUAK ngayong Biyernes.

Eunice Lagusad

Eunice was born on May 18, 1998 at aniya, four years old siya noong una niyang nakita ang kanyang papa. She was seven years old noong huli niya itong nakita. Seaman ang papa ni Eunice at may iba na itong pamilya. Ang mama niya’y hindi na nag-asawang muli. Ayon pa kay Eunice, battered wife ito.

Kahit iniwan silang mag-ina ng kanyang papa, walang galit o sama ng loob si Eunice sa kanyang ama. Aniya, hindi siya magiging tao kung hindi dahil sa kanyang mga magulang.

Wala pang next project si Eunice after “Once Upon a Kiss.” Si Miggy Jimenez ang love interest niya na BFF ni Prince (Miguel Tanfelix).

Nanghinayang si Eunice na hindi sila nagkaroon ng moment ni Miggy at hindi na-establish ang love team nila sa OUAK.

In real life ba, interesado siya kay Miggy?

“Hindi. Nag-aasaran nga kami sa set. Magkakasama kaming apat, ako, si Miguel, Miggy at Bianca sa isang tent. Kulitan, asaran kami.”

BFF
Wala pa ring next project after “Once Upon a Kiss” si Miggy Jimenez kaya aniya, mag-aaral muna siya. Pinag-iisipan niya kung Culinary Arts o Aeronautics ang kukunin niya. Nag-graduate si Miggy ng high school sa Home Study Program ng Pasay North High School.

Tatlo silang magkakapatid at si Miggy ang bunso. OFW sa Jedah, Saudi Arabia ang kanyang daddy at building manager naman sa isang Ayala property ang kanyang mommy. Mga damit at sapatos ang collections ni Miggy. Aniya, nagpapabili siya ng mga damit sa daddy niya sa Saudi Arabia.

Noong two years old si Miggy, naging commercial model siya ng Johnson’s baby powder. Since 2008 ay GMA talent na siya at napasama siya sa cast ng “Tropang Pochi.”

Mag-BFF sila ni Miguel Tanfelix sa “Once Upon a Kiss,” pati sa totoong buhay, ayon kay Miggy. Mas lalo silang naging close noong nagkatrabaho sila sa naturang Kapuso primetime series.

NBSB
Kontrabida ang role ni Krystal Reyes sa “Healing Hearts” kung saan ex-girlfriend siya ni Kristoffer Martin. Pahihirapan at aapi-apihin niya si Joyce Ching na tunay na minamahal ni Kristoffer.

Krystal is 18 years old at NBSB (no boyfriend since birth) siya. Never been kissed, never been touched. Aniya, gusto niyang maging kaibigan muna kung sinuman ang magiging first BF niya. At siyempre, ’yung boto ang kanyang pamilya.

Niligawan ba siya noon ni Julian Trono?

“Mabait siya (laughs). Naging close kami noon,” sabi lang ni Krystal.

Na-link din si Julian kay Bianca Umali. Binasted naman siya ni Rita Daniela dahil ayaw nito sa younger guy. She’s 20 years old, 17 lang si Julian.

comments