Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Glaiza not ready for a new relationship

Glaiza not ready for a new relationship

Glaiza De Castro

LOVELESS pa rin si Glaiza de Castro. Aniya’y hindi pa siya ready magmahal muli.

“Na-stress ako sa past relationships ko (laughs),” she said nang nakausap namin sa press launch ng kanyang self-produced album titled “Synthesis.”

Sina Felix Roco at Patrick Garcia ang ex-boyfriends ni Glaiza. Aniya’y one season lang (as in 13 weeks) ang naging relasyon nila ni Patrick.

“Huwag na natin siyang pag-usapan, may asawa na siya,” sambit ng Kapuso star at GMA Artist Center talent. Di niya sinabi kung ilang months or years sila naging together ni Felix.

May non-showbiz guy na nanliligaw kay Glaiza, pero hindi niya ini-entertain dahil busy-bisihan siya sa kanyang career. Nagpo-promote siya ng kanyang album, may out-of-town shows at nagte-taping ng bago niyang primetime series, ang “The Rich Man’s Daughter.”

Ani Glaiza, nanghinayang siya na nag-withdraw si Marian Rivera sa project. Seventy percent na ang nakunang eksenang magkasama sila.

“Nag-emo (emotional) ako nang ipaalam nila sa amin (cast) na hindi na niya gagawin ang series dahil buntis siya,” lahad ni Glaiza.

Sinabi raw sa kanya ni Marian na ipinaglaban siya nito para makasama sa TRMD. May iba kasing kinukunsider para sa role niya. Nagkatrabaho sila ni Marian sa “Amaya” at “Temptation of Wife,” kaya naging close friends sila, ayon kay Glaiza.

Pero alam n’yo bang sa itinayong restaurant ni Glaiza, ang “Runner’s Kitchen” ay hindi si Marian kundi si Heart Evangelista ang isa sa business partners niya? Kasosyo rin nila si Bianca King at ibang showbiz friends. Pero ayon kay Glaiza, mas close siya kay Marian, kesa kay Heart.

Baka hindi lang type ni Marian ang restaurant business, kaya hindi siya nakisosyo. O, dahil business partners na sina Glaiza at Heart? Mang-intriga ba?

barbie and enzo

New HF ambassadors
Sina Enzo Pineda at Barbie Forteza ang mga bagong dagdag na ambassadors ng Haribon Foundation (HF). Malaki ang paniniwala ng chief operating officer nito na si Ms. Maria Belinda de la Paz na malaking impluwensiya sa mga kabataan ang dalawang GMA Artist Center talents na mapalaganap ang mabuting pag-aalaga sa ating kalikasan.

Ani Barbie, isang privilege para sa kanya ang maging ambassador ng HF at thankful siya sa pagkakataong ibinigay sa kanya para makatulong maimpluwensiyahan ang mga kabataan na maging bahagi sa pagpapalaganap na pangalagaan ang ating kalikasan.

Ayon naman kay Enzo, nature lover siya at mahal niya ang Pilipinas. “Marami tayong dapat ipagmalaki sa ating bansa. Excited akong tumulong na palaganapin ang pangangalaga sa ating kalikasan,” lahad ni Enzo.

Christian Bautista

Tatay na
FIRST dramatic role ever ni Christian Bautista sa bago niyang GMA series, ang “Family Secrets.” First father role rin niya dun at first time rin niyang katrabaho si Gwen Zamora.

“I’m looking forward to our taping days. Excited ako,” ani Christian.

Happy heart again si Gwen. Si Jeremy Marquez na ex-boyfriend ni Alessandra de Rossi ang nagpapasaya ngayon ng puso ni Gwen. Ang ex-BF niyang si Raymond Romualdez (anak ni Tacloban Mayor Alfred Romualdez) ang boyfriend ngayon ni Ellen Adarna na dating friend ni Gwen.

comments