Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Tina wants reunion project with Sheryl and Manilyn

Tina wants reunion project with Sheryl and Manilyn

Tina PanerFIRST full-length teleserye sa GMA7 ni Tina Paner ang “Healing Hearts” na mapapanood simula sa May 11 pagkatapos ng “Yagit.”

Katatapos lang ng guesting stint ni Tina sa “Once Upon a Kiss,” kaya masaya siyang may kasunod agad siyang project sa Kapuso Network.

Wish ni Tina na magkatrabaho silang tatlo nina Sheryl Cruz at Manilyn Reynes. Tinagurian silang Triplets noong mga bagets pa sila at nasa “That’s Entertainment” pa. Nagkatrabaho na sina Manilyn at Tina sa katatapos na “Once Upon a Kiss” na pinagbidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Supposedly, may concert ang Triplets last year na ang mommy Daisy Romualdez ni Tina ang producer. Pero nagkaroon ng problema sa negotiation between Daisy and Manilyn’s husband-manager na si Aljon Jimenez. Diumano’y may kinalaman ’yun sa talent fee ni Manilyn, kaya hindi siya natuloy. Sina Sheryl at Tina na lang ang nagkasama sa concert.

Gustong maging friend ang ex-wife ng ex-BF
Nakatrabaho naman ni Tina sa “Once Upon a Kiss” ang ex-boyfriends niyang sina Ramon Christopher at Cris Villanueva. Ani Tina, lihim siyang natawa sa isang eksenang magkakasama silang tatlo at si Manilyn.

Walang awkwardness working with Monching and Cris, ayon kay Tina.

Pareho silang single ngayon ni Monching, hindi ba ito nagparamdam sa kanya?

“Naku, hindi (laughs). Past is past. Friends na lang kami,” sambit ni Tina.

Matatandaang unang naging boyfriend ni Tina si Monching na si Lotlot de Leon ang pinakasalan. Naging miyembro sila ng “That’s Entertainment” pati si Cris.

Ayon kay Tina, never silang naging close ni Lotlot. Maybe because, nakarelasyon nito si Monching at pinakasalan pa.

Ano kaya kung pagsamahin sina Tina, Lotlot, Monching at Cris sa isang GMA series?

Kay Tina, walang problema. Ewan lang daw kay Lotlot. Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto niyang maging kaibigan si Lotlot, ayon pa kay Tina.

carla dingdong

Nanghinayang
Kung may love angle sa pagpasok ng karakter ni Carla Abellana bilang Michelle sa “Pari Koy,” gano’n din sa pagpasok ng karakter ni Victor Neri bilang Matthew. Siya ang ex-boyfriend ni Norma (Sunshine Dizon).

Nanghinayang si Matthew nang nalamang may asawa na si Norma, si Simon (Carlo Gonzales). Ano kaya ang mangyari kapag nalaman ni Simon na may nakaraan sina Norma at Matthew? At ano naman kaya ang pakiramdam ni Father Kokoy na ang ex-love niyang si Michelle ang girlfriend ni Jude (Gabby Eigenmann)?

Tutok lang sa mga kaganapan sa “Pari Koy” pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA Telebabad.

comments