Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Glaiza says no to relationship with tomboy

Glaiza says no to relationship with tomboy

Kylie Padilla

CHEF ng Runner’s Kitchen ang bagong boyfriend ni Kylie Padilla na si Matt Henares. Anak ito nina Ronnie at Ida Henares. Customer si Kylie ng naturang restaurant kung saan business partners sina Glaiza de Castro, Heart Evangelista, Bianca King at iba pang non-showbiz friends nila. Doon nagkakilala sina Kylie at Matt.

Pinsan ni Rhian Ramos si Matt at aniya, nagulat siya noong lumabas sa social media ang mga picture na magkasama sina Kylie at Matt. Bagaman alam na niyang may “something” sina Kylie at Matt, tahimik lang si Rhian at ayaw niyang pangunahan ang mga ito sa pag-amin sa kanilang relasyon.

Happy heart again si Kylie after Aljur Abrenica broke her heart. Ayon kay Kylie, naging messy ang past relationship niya and this time, cool lang daw. Hindi pa naipapakilala ni Kylie sa kanyang papa Robin Padilla si Matt, pero mukha namang aprub kay Robin ang bagong BF ng kanyang anak.

Aniya sa isang interbyu namin, bilang isang ama, nagpapaalala lang siya sa mga anak niya, ayon kay Robin. Kung pakikinggan siya, salamat, kung hindi naman, okey lang, an’ya pa.

Glaiza De Castro

Misconceptions
Nalungkot at nanghinayang si Glaiza de Castro na nag-withdraw si Marian Rivera sa “The Richman’s Daughter,” pero aniya, welcome sa kanya si Rhian Ramos na ipinalit kay Marian. Naniniwala raw siya sa kakayahan nito. Nagkasama na sila noon sa “Stairway to Heaven” at okey katrabaho si Rhian, ayon kay Glaiza.

Nag-reshoot sila ni Rhian ng mga eksenang nakunan na sa kanila ni Marian.

Ayon kay Glaiza, madalas siyang manood ngayon ng mga pelikulang may temang lesbianism, tulad ng “Ang T-Bird at Ako” nina Nora Aunor at Vilma Santos. Nakikipag-interact din siya sa mga tomboy at nagbabasa ng mga artikulo about them.

“Maraming misconceptions tungkol sa kanila. Minsan kasi, nauuna ang panghuhusga bago pagkilala sa kanilang pagkatao. May kanya-kanyang pinanggagalingang kuwento. May iba’t ibang dahilan. Walang nanliligaw, choosy at hindi nakapasa sa standards o kaya settled na silang hindi magwo-work ang relasyon sa isang guy,” lahad ni Glaiza.

Naranasan na ba niya ang maligawan ng tomboy? “Hindi pa,” sambit ni Glaiza. Pero aniya, hanggang friends lang ang pwedeng mangyari, sakaling may manligaw sa kanyang tomboy.

comments