Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Chynna astig ang dating

Chynna astig ang dating

Chynna Ortaleza

ASTIG na astig (tigasin) ang dating ni Chynna Ortaleza noong presscon ng “The Rich Man’s Daughter.” Iisipin mong nag-out na siya at katropa na niya sina Aiza Seguerra at Charice Pempengco. Lalaking-lalaki ang dating sa suot na damit pati gupit ni Chynna na isang tigasing tomboy ang role sa TRMD.

She plays Batchi Luna na BFF ni Glaiza de Castro (as Althea Guevarra). Ani Chynna, big challenge sa kanya ang gumanap bilang isang tomboy kaya hindi siya nag-dalawang-isip tanggapin ang role. Wala rin siyang kiyemeng nagpagupit nang maikli para magmukha talaga siyang boy.

In preparation for her role, naki-party siya kasama si Glaiza sa mga lesbian. Inobserbahan nilang maigi ang mga pananalita at kilos ng mga ito.

Sa ipinakitang trailer ng TRMD noong presscon, kering-carry ni Chynna ang lesbian role. Sana’y panoorin nina Aiza at Charice ang TRMD at baka sabihin nilang “Welcome to the club, Chynna!” Chos!

Pauleen Luna

Di pinipilit
Si Pauleen Luna pala ang nag-asikaso sa Boracay trip ni Vic Sotto and his children (Danica, Oyo, Paulina, and Vico). Hindi siya kasama sa birthday celebration doon ni Vic who turned 61 on April 28. Bonding moments ‘yun ng mag-aama, kaya hinayaan nalang ni Pauleen na masolo si Vic ng mga anak nito.

Pagbalik ng boyfriend niya sa Manila, nag-simple birthday dinner lang sila ni Vic, ayon kay Pauleen nang nakausap ng entertainment writers sa presscon ng “The Rich Man’s Daughter.”

Aniya, okey ang relasyon niya sa mga anak ni Vic. Ang hiling lang nito sa kanila ay mag-respetuhan silang lahat. Sabi pa ni Pauleen, hindi niya ipinipilit ang sarili niyang magustuhan siya ng mga anak ni Vic. So far, so good naman ang relasyon niya sa mga ito at umaasa siyang darating din ang tamang panahon na magiging sobrang okey na lahat.

Kailan naman kaya ang kasal nila ni Vic? Ayon kay Pauleen, ipinagdarasal nila ’yun pareho. So, wait nalang kung kailan ’yun magaganap.

Samantala, abangan din si Pauleen sa “The Rich Man’s Daughter” where she plays Pearl Sy-Tanchingco, sister-in-law ni Jade Tanchingco (Rhian Ramos) at inggiterang asawa ni Gabriel (TJ Trinidad). Tampok din sa TRMD sina Sheena Halili, Paolo Contis, Luis Alandy, Mike Tan, Charee Pineda, Glydel Mercado, Tony Mabesa, Al Tantay at Ms. Gloria Romero. Mula ito sa direksiyon ni Dominic Zapata.

Mapapanood ang TRMD simula May 11 sa GMA Telebabad.

comments