Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dingdong does a good turn

Dingdong does a good turn

Dingdong Dantes

CLOSET gay ang role ni Mike Tan sa “The Rich Man’s Daughter.” Magkapatid sina Mike at Rhian Ramos na tomboy naman ang role bilang Jade Tanchingco. He plays Paul Tanchingco na handang tanggapin lahat, subali’t handa ba naman kayang tanggapin ng lahat ang tungkol sa kanyang pagkatao?

Tahimik at pribadong tao si Paul. Masunurin sa lahat ng ipinag-uutos at pinaniniwalaan ng kanyang pamilya. Pero sa pagkatuklas niya ng katotohanan tungkol sa kanyang kapatid, pag-iisipan niya kung dapat na rin ba niyang ilantad ang tunay niyang pagkatao?

Ayon kay Mike, malaking challenge sa kanya ang ipinagkatiwalang karakter sa kanya, kaya sobrang thankful siya na bahagi siya ng TRMD. May mga gay friend siya na ginawa niyang peg sa pag-atake sa kanyang role.

Hindi ba siya nag-aalala na baka ma-typecast siya sa gay role? “Trabaho lang ’yun,” sambit ni Mike.

Aniya pa, hindi siya choosy sa role na ibinibigay sa kanya ng Kapuso Network at itinuturing niyang hamon sa kanyang kakayahan ang bawat role na ipinagkakatiwala sa kanya.

Produkto si Mike ng “Starstruck” at aniya, loyal siya sa GMA. Hanggang kailangan pa ang kanyang serbisyo, hindi raw siya aalis.

Mahaba rin ang pasensiya ni Mike at never na-insecure sa ibang Kapuso stars na mas nabibigyan ng malalaking proyekto. Never din siyang nagreklamo.

Magka-second chance kaya?
Kung nagka-second chance sina JM de Guzman at Jessy Mendiola na together again two years after they broke up, possible kayang mangyari rin ito kina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado?

Bagaman may mga sighting sa kanilang dalawa, wala pa ring kumpirmasyon mula sa kanila na nagkabalikan sila. Sabi lang ni Dennis, okey sila ngayon ni Jen. Masaya raw sila’t nagkikita sila sa gym at sa mga event ng triathlon na pareho nilang kinahihiligan ngayon.

Anang Kapuso Drama King, nagsimulang maging close uli sila ni Jen noong nag-duet sila sa isang kanta para sa album ng singer-actress. Nag-guest pa si Dennis sa concert ni Jen na ginanap sa SkyDome, SM North EDSA, a few months ago.

Huling napanood si Dennis sa “Hiram na Alaala.”

Matatapos na ang “Second Chance” ni Jennylyn at marami ang humihiling na sana’y pagsamahin sina Dennis at Jennylyn sa next project nila sa GMA. Una silang nagtambal sa “Gumapang Ka sa Lusak” kung saan sila naging close hanggang nagka-in-love-an. Sad nga lang na nauwi ’yun sa bad break-up. But now, posibleng magka-second chance sina Dennis at Jennylyn. Abang-abang na lang.

Kapuri-puri
Kapuri-puri at kahanga-hanga ang ginagawang pagtulong ni Dingdong Dantes sa dati niyang manager noong miyembro pa siya ng Abstract Dancers. May sakit ito at lingid sa kaalaman ng lahat, nagbibigay pala ng monthly financial support si Dingdong.

Nabatid natin ito mula kay Dino Guevarra na kasamahan noon ni Dingdong sa Abstract Dancers.

Ayon kay Dino, lalo siyang humanga kay Dingdong. Saludo rin kami sa Kapuso Primetime King dahil kahit may iba na siyang manager ngayon (si Perry Lansigan), hindi pa rin siya nakakalimot kay DD, ang (o mga) taong nakatulong sa kanya noong bago pa lang siya nagsisimula sa showbiz.

Para siyang si Father Kokoy sa “Pari ’Koy” na may busilak na puso. Wagas ang pagtulong ni Father Kokoy kay Pinggoy na napamahal na sa kanya. Parang anak ang turing niya sa bagets.

comments