Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sunshine deadma sa balitang buntis ang karelasyon ni Cesar

Sunshine deadma sa balitang buntis ang karelasyon ni Cesar

Sunshine CruzDEADMA lang si Sunshine Cruz sa balitang diumano’y buntis ang bagong karelasyon ng estranged husband niyang si Cesar Montano. Bagama’t walang kumpirmasyon o denial mula kay Montano, Sunshine could not care less.

Ang Miss Philippines-Earth 2009 na si Sandra Seifert ang diumano’y bagong girlfriend ni Montano. Spotted diumano ang dalawa na magkasamang dumalaw sa training ni Manny Pacquiao sa Los Angeles, USA two days bago ang boxing bout nina Pacman at Floyd Mayweather, Jr. sa Las Vegas, Nevada.

Sa isang interbyu kay Sunshine, nagpahayag siyang kung masaya si Cesar, good for him. Mukhang naka-move on na si Sunshine sa hiwalayan nila ni Montano. Desidido na rin siyang ipa-annul ang kanilang kasal.

Big challenge
Ngayong Lunes na (May 11) ang pilot telecast ng “Healing Hearts” sa GMA Afternoon Prime after “Yagit.” Balik-tambalan dito sina Kristoffer Martin at Joyce Ching. Anang huli, pressured siya dahil nasanay siya sa kontrabida role na ginampanan niya sa mga nakaraan niyang projects sa GMA7. Nasanay siya na siya ang nang-aapi, nananakit sa bida.

This time, siya naman ang aapihin at sasaktan. Si Krystal Reyes ang kontrabida sa “Healing Hearts” na magpapahirap sa kanya.

Big challenge kay Joyce ang komento ng ibang tao na kesyo, hindi bagay sa kanya ang inaapi dahil matapang ang ganda niya. Pang-kontrabida lang daw ang dating niya.

“Basta ako, gagawin ko sa abot ng aking makakaya na magampanan ang role na ipinagkatiwala sa akin. Sana, huwag naman agad akong husgahan,” sambit ni Joyce.

Oo nga naman! Iwasan ang negativity at maging positive na lang sa kayang gawin ni Joyce sa kanyang karakter bilang Mikaela/Liza. Kumbaga, don’t judge a book by its cover.

Ang inaabangan ay kung magkaka-second chance sina Joyce at Kristoffer sa reunion project nilang ito sa Kapuso Network. Sa presscon ng “Healing Hearts” ay sinabi nilang hindi sila nagkabalikan. Pero anila, pareho silang open for a possible reconciliation.

comments