Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sheena misses working with good friend Marian

Sheena misses working with good friend Marian

Sheena Halili

GOOD friend din ni Sheena Halili si Marian Rivera, kaya nalungkot at nanghinayang din siya nang mag-withdraw ang Kapuso Primetime Queen sa “The Rich Man’s Daughter.” Huling nagkatrabaho sina Marian at Sheena sa “Amaya,” kaya natuwa siya noong nalaman niyang magkasama (sana) sila muli sa TRMD.

Ani Sheena, masarap at magaan katrabaho si Marian. Naudlot man ang muli nilang pagtatrabaho, happy naman siya na magiging mommy na si Marian. Si Rhian Ramos ang ipinalit kay Marian na ayon kay Sheena, okey rin itong katrabaho. Walang kiyeme at madaling pakisamahan. Swak agad sila sa mga eksena nila together sa TRMD.

Sheena plays Sally Apolinario, ang kikay na BFF ni Jade Tanchingco (Rhian Ramos). Childhood friends sila, pero hindi pa pala niya alam ang lahat tungkol sa pagkatao ni Jade. Maapektuhan kaya ang kanilang friendship kapag natuklasan niya ang itinatagong lihim ni Jade? Simula na ngayong Lunes ng TRMD sa GMA Telebabad.

Confirmed!
Officially together na sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales. Kinumpirma ito ni Daniel sa kanyang social media account with matching post ng pictures nila ni Erich. Bakas ang happiness sa dalawa.

Ibinuking naman ng sister ni Daniel na si Vanessa na exclusively dating ang kanyang brother at si Erich. Si Kris Aquino ang naging matchmaker kina Daniel at Erich. Nag-guest sila noon sa “Kris TV” hanggang nagkasama sila sa “Two Wives.”

That time ay may non-showbiz boyfriend si Erich. Somewhere along the way, nagkalabuan ang kanilang relasyon. Nagkaroon ng change of heart si Erich. Sadyang mahiwaga ang pag-ibig.

david remo

Palaisipan
Palaisipan kung kanino ba talagang anak si Pinggoy (David Remo) na napamahal na kay Father Kokoy (Dingdong Dantes) sa “Pari ’Koy.” Ampon lang si Pinggoy ng namatay na babaeng kinilala niyang ina.

Sa pagpasok ng karakter ni Carla Abellana bilang Michelle, ipinakitang nagkaroon sila ng relasyon noon ni Father Kokoy. May flashback pa na nabuntis si Michelle, kaya lumayo siya noong nalaman niyang pari si Kokoy.

Sa itinatakbo ng kuwento ng “Pari ’Koy,” unti-unti na ring napapamahal at napapalapit ang loob ni Michelle kay Pinggoy.

Ano kaya ang koneksiyon ng bagets kina Father Kokoy at Michelle? May lihim kayang matuklasan sa tunay na pagkatao ni Pinggoy?

Samantala, kainis-inis at ang sarap sabunutan ni Chanda Romero (Martha) sa pagmamalupit niya kay Pinggoy. Parati niyang pinag-iinitan ang bagets dahil pinatira ito ni Father Kokoy sa kumbento. Naturingan pa namang taong simbahan si Martha.

comments