Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Luis and Angel set to wed ‘very, very soon’

Luis and Angel set to wed ‘very, very soon’

KASADO na ang game show na pagsasamahan nina Ogie Alcasid at Janno Gibbs sa TV5. “Track ng Bayan” ang pamagat na ewan lang kung itatapat ito sa “Wowowin” ni Willie Revillame.

Mamimigay rin sina Ogie at Janno ng libu-libong papremyo at dadayo pa sila sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Parehong excited sina Ogie at Janno sa pagsasama nila sa isang show sa paglipat ni Janno sa Kapatid Network. Nagkasama sila sa “Party Pilipinas” na naging ”Sunday All Stars” noong pareho pa silang nasa GMA7.

Naunang lumipat si Ogie sa TV5 at may mga nagsasabing diumano’y hinikayat ni Ogie si Janno na lumipat sa Kapatid Network. Itinanggi na ito ni Alcasid sa isang interbyu.

May nakapagtsika naman sa aming diumano’y si Ms. Wilma Galvante (Chief Entertainment Content Officer ng TV5) ang nagkumbinse kay Janno na lumipat sa Kapatid Network. Diumano, very tempting ang offer na mahirap i-resist, kaya tinanggap ni Janno.

Deadma na nga lang siya sa kanyang bashers dahil aniya, hindi alam ng mga ito ang totoong istorya sa paglipat niya sa TV5. Oo nga naman!

Angel and luis

Magpapakasal na?
How soon kaya ang sinabi ni Luis Manzano na very, very soon ay magpapakasal na sila ni Angel Locsin? Gusto niyang sorpresahin ang kanyang girlfriend, ani Luis sa post-birthday celebration niya sa ASAP.

Marami ang nag-iispekulasyong hindi raw kaya before the year ends ay may kasalang maganap kina Luis at Angel? Hindi kaya anytime soon ay maganap ang inaabangang marriage proposal ni Luis kay Angel?

Both ay nasa marrying age na at pwede na silang bumuo ng isang pamilya. Luis is 34, Angel is 30. Kinukulit na nga si Luis ng kanyang mommy (Governor Vilma Santos-Recto) na bigyan na siya ng apo.

Makahulugan naman ang birthday wish ni Angel for Luis. Sana raw ay magamit pa nito ang ginagawa dahil maligaya naman ito sa mga tao.

Sana raw ay mas marami pang matulungan si Luis, marami pa siyang mapasayang tao at sana’y mahalin pa rin siya (Angel) kahit ano’ng mangyari.

Pahiwatig kaya ’yun na papasukin na rin ni Luis ang mundo ng pulitika? Sa October ang filing ng candidacy ng mga gustong tumakbo sa 2016 elections at abangan na lang natin kung kabilang si Luis.

Rhian Ramos

Game
Parehong game sina Rhian Ramos at Glaiza de Castro kung magkakaroon sila ng kissing scene sa “The Rich Man’s Daughter.” Ani Rhian, iisipin na lang niya na gaya ’yun ng ginagawa niya sa kanyang leading man.

Sabi naman ni Glaiza, tala-gang paghahandaan niya, sakaling magkakaroon sila ng kissing scene ni Rhian. Magtu-toothbrush at magma-mouth wash siya para matiyak na mabango ang hininga niya.

Si Dominic Zapata ang direktor ng TRMD at aniya, gusto nga niyang magkaroon ng kissing scene sina Rhian at Glaiza.

Mamaya sa TRMD, magagalit si Althea (Glaiza) kay Wila (Katrina Halili) sa pagsampal nito kay Jade (Rhian). Nagdadalawang-isip na si Jade sa relasyon nila ni David (Luis Alandy). Wala siyang naramdaman nang padalhan siya nito ng flowers.

comments