Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Girls swoon over ‘tomboy’ Chynna

Girls swoon over ‘tomboy’ Chynna

Mark Neumann

MUKHANG si Mark Neumann ang ipinu-push ng TV5 na maging next important star. Sa kanya ipinagkatiwala ang role ni Takgu sa “Baker King,” Philippine adaptation ng Korean hit series. Biggest project ito ni Mark, kaya sobrang happy at excited siya, at the same time, pressured dahil aniya, ayaw niyang mabigo ang expectations ng Kapatid Network sa kanya.

May ilang Kapatid stars ang kinunsider para gumanap bilang Takgu. Marami ang naghangad na makuha ang role, isa na si Vin Abrenica.

Sumama nga ang loob ni Vin nang hindi sa kanya napunta ang project. Aniya, hindi raw pinapahalagahan ng network ang mga ginagawa niya.

Ani Mark, friends sila ni Vin at siguro raw, may ibang nakalaang project for him. Big blessing sa kanya (Mark) ang pagkapili sa kanya ng TV5 para gampanan ang role bilang Takgu.

“I’ll do my best in this project. Sobrang thankful ako sa TV5,” ani Mark.

Deserve naman niya ang pag-push sa kanya ng Kapatid Network dahil star material si Mark. Push! Push! Push! lang sa kanyang career.

Chynna Ortaleza

Ok sa kissing scene
Ang bilis ng pacing ng “The Rich Man’s Daughter.” Pilot telecast pa lang ay lumabas na ang karakters nina Rhian Ramos (Jade Tanchingco) at Glaiza de Castro (Althea Guevarra). Na-establish agad ang malakas na attraction nila sa isa’t isa.

This week, lumabas na rin ang inaabangang karakter ni Chynna Ortaleza bilang Batchi Luna. Mapapaisip ka, hindi kaya may bahid siya ng katomboyan na wala pa lang sa kanyang kamalayan ngayon?

May mga babaeng nagka-crush kay Batchi at may girl pang nag-propose ng, “Marry me!” Gano’n ka-effective ang pagganap ni Chynna bilang isang tigasing tomboy sa TRMD. May live-in partner siya rito, si Stephanie Sol at willing si Chynna na magkaroon sila ng kissing scene kung papayag ang MTRCB.

Mahal pa rin
Umiigting ang mga kaganapan sa “Yagit.” Mahal pa rin nina Victor (James Blanco) at Dolores (Yasmien Kurdi) ang isa’t isa at handang ipaglaban ni Victor si Dolores. Pakawalan naman kaya ni Izel (Bettina Carlos) si Victor?

’Heard, extended na naman ang “Yagit.” Kung totoo, matutuwa ang cast dahil ang ibig sabihin, extended din ang kanilang talent fee.

comments