Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Maja won’t say reason behind split with Gerald

Maja won’t say reason behind split with Gerald

MAJA Salvador

KUNG naging emotional si Gerald Anderson sa pag-aming break na sila ni Maja Salvador, composed naman ang aktres nang nakausap ng entertainment press hinggil sa kanilang hiwalayan. Parang hindi raw heartbroken si Maja. Blooming nga ang beauty nito. Maganda lang magdala o magtago ng tunay na nararamdaman ang Kapamilya actress.

Two years together sina Gerald at Maja at aniya, pinapahalagahan niya ang naging relasyon nila. Hindi siya napilit ng press sabihin kung ano o sino talaga ang dahilan ng kanilang break-up. Basta sabi lang ni Maja, kung anuman ang dahilan o pinagdaraanan ni Gerald, ipinagdarasal na lang niya.

GERALD Anderson

Naging palaisipan tuloy sa entertainment press kung ano raw ba kaya ang pinagdaraanan ni Gerald? Huwag sabihing confused din siya gaya ni Billy Crawford kaya nakipag-break ito kay Nikki Gil?

Grand winner
Grand winner ang El Gamma Penumbra sa “Asia’s Got Talent 2015” na ginanap sa Marina Bay Sands, Singapore. Isa sila sa apat na finalists mula sa Pilipinas na nakipag-compete sa naturang talent search na first sa Asia. Ang iba pang tatlo’y sina Gerphil Flores (second runner-up), Gwyneth Dorado at ang dance group na Junior New System.

Mula sa Tanauan, Batangas ang El Gamma Penumbra na US$100,000 ang cash prize at may tsansang makapag-perform sila sa Marina Bay Sands sa Singapore. Worth it ang pagod at puyat ng El Gamma Penumbra sa ginawa nilang pagpapraktis prior sa pagsali nila sa AGT 2015.

Sa isang TV interview, sinabi nilang inaabot sila ng magdamagan sa rehearsals. Magsisimula sila at 7 p.m. at matatapos ng 5 a.m. Walang tulugan, paulit-ulit ang kanilang acts para ma-perfect nila.

Kakaiba at sobrang impressive naman talaga ang performance ng EGP. Para silang mga anino sa likod ng malaking telon at maliwanag nilang naitawid ang magandang mensahe tungkol sa pagmamahal sa Mother Nature. Tunay na maipagmamalaki ng Pilipinas ang kakaibang talent ng EGP. Congratulations!

comments