Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Benjamin Alves turns poet

Benjamin Alves turns poet

Benjamin Alves

NAHIHILIG ngayon si Benjamin Alves mag-post ng poems sa kanyang Instagram account. Marami ang curious kung sino raw ba kaya ang kanyang inspirasyon.

Na-link si Benjamin kay Glaiza de Castro noong nagkasama sila sa “Dading.” Marami ang nag-akalang may nabuong “something special” between them, lalo pa’t si Benjamin ang nakaisip ng title ng self-produced album ni Glaiza na “Synthesis.”

Kapuwa itinanggi ng dalawa na may “something special” between them. Friends lang daw sila, no more, no less! Sabi ni Benjamin, there’s no one in particular na inspirasyon niya ngayon sa pagsusulat ng poems.

“Parang acting na hindi kailangang parating humuhugot from a past experience. That’s very dangerous,” he said. “I can write without having to go through something. There’s a bit of truth to my writing, pero I’m not necessarily going through it right now. It probably happened before, but I’m writing it only now.”

Ayon pa kay Benjamin, gusto lang niyang ibahagi ang passion niya for writing poems at makatulong sa mga batang mahilig magsulat ng poems. “That’s my goal this year,” sambit ni Benjamin.

Kasama si Benjamin sa bagong GMA Primetime series na “Beautiful Strangers” with Heart Evangelista, Lovi Poe, and Rocco Nacino. Gaganap siya bilang kapatid ni Heart na mai-involve sa karakter ni Lovi. Mai-involve naman sina Heart at Lovi sa karakter ni Rocco

Anak ni Pari ’Koy
Na-reveal na sa “Pari ’Koy” na anak nina Michelle (Carla Abellana) at Father Kokoy (Dingdong Dantes) si Pinggoy (David Remo). Ipinagtapat ito ni Michelle sa isang kaibigan, pero wala pang kaalam-alam si Father Kokoy na anak niya si Pinggoy. Ano kaya ang reaction ng mga kaparian dito?

Kapag pinanonood namin ang “Pari ’Koy,” halata kay Dingdong ang sobrang pagkagiliw kay David. Para bang anak ang turing ng Kapuso Primetime King sa bagets. Parang nai-imagine na namin kapag lumabas na ang baby nila ni Marian Rivera. For sure, magiging loving and caring daddy si Dingdong. Excited na nga siyang makita ang itsura ng panganay nila ni Marian. Marami ang humuhulang baby girl ito dahil magandang magbuntis ang Kapuso Primetime Queen.

comments