Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Lovi says she’d love to see BF Rocco & friend Heart in many kissing scenes

Lovi says she’d love to see BF Rocco & friend Heart in many kissing scenes

rocco n lovi

TINGNAN nga natin kung tutuparin ni Willie Revillame ang pangako niya kay Thea Tolentino na siya ang magbabayad ng down payment sa kotse nito.

Naglaro si Thea sa “Will of Fortune” sa “Wowowin” kasama si Barbie Forteza. Nalaman ni Willie na wala pang sariling kotse si Thea at nakikisabay lang ito sa service ng GMA7 kapag may taping ng “The Half-Sisters.”

Sobrang generous si Willie, kaya abang-abang na lang sa OPM (Oh! Promise Me) niya kay Thea. Bigyan na lang kaya niya ng kotse si Thea. Tutal, can afford naman si Willie.

Looking forward
Magkakasama sina Heart Evangelista, Lovi Poe at Rocco Nacino sa “Beautiful Strangers,” bagong primetime series na mapapanood soon sa GMA7. Looking forward si Lovi na magkaroon ng kissing scenes sina Heart at Rocco. Panonoorin daw niya at sana raw ay maraming kissing scenes ang dalawa para awkward.

“Siyempre, Heart is one of my best friends. Tapos, boyfriend ko si Rocco. So, I would love to see. Natatawa kasi ako,” ani Lovi. Aniya pa, hindi big deal sa kanya at never magiging problema kung may kissing scenes sina Heart at Rocco. “Trabaho namin ’yun bilang mga artista. And I fully understand,” saad ng Kapuso actress.

Ayon pa kay Lovi, malaki ang pagkakaiba ng relasyon niya kay Rocco kumpara sa past relationships niya. Mas open siya ngayong pag-usapan ang relasyon nila ni Rocco. “It’s fun din. Sometimes, it’s weird. Siyempre, people always ask about it all the time. But then, it’s okey naman. It’s really part of it,” she said.

comments