Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Enzo di naniniwalang ampon lang si Louise

Enzo di naniniwalang ampon lang si Louise

enzo pineda

SI Enzo Pineda ang kinuyog ng entertainment writers sa presscon ng “My Mother’s Secret.” Tinanong siya sa ampon issue tungkol sa ex-girlfriend niyang si Louise delos Reyes. May babae kasing nagke-claim na diumano’y siya ang tunay na ina ni Louise.

Ani Enzo, nagulat siya dahil that night (presscon) lang niya ’yun nalaman. Hindi raw siya naniniwalang ampon lang si Louise ng mga kinagisnan at kinikilala nitong mga magulang.

That time na together pa sila ni Louise, wala naman daw itong nabanggit tungkol du’n. Wala namang kumukuwestiyon. Ani Enzo, maaayos din ang pinagdaraanang problema ng kanyang ex-girlfriend.

Nainterbyu sa “24 Oras” ang babaeng nagke-claim na diumano’y siya ang tunay na ina ni Louise. Ayon sa mga nakapanood, magkahawig sila, lalo na sa parteng noo at mga mata. Kung may pagdududa, DNA test ang solusyon para magkaalaman ng katotohanan.

Nagkabiruan nga sa presscon ng “My Mother’s Secret,” dapat daw ay isinama sa cast si Louise, sakto sa paglabas ng isyu sa kanya.

In any case, Enzo plays Gavin, half-brother nina Craig (Kiko Estrada) at Lorraine (Diva Montelaba). Makikihati siya sa puso ni Neri (Kim Rodriguez). MMS premieres on Monday (May 25) bago mag-“24 Oras” sa GMA7.

kiko and kim

Di napaamin
Sina Mikael Daez at Andrea Torres siguro ang peg nina Kiko Estrada at Kim Rodriguez. Ayaw ring umamin nina Mikael at Andrea noong nakausap namin sila sa set ng “Blood in Dispute” tungkol sa respective real loves nilang sina Megan Young at Sef Cadayona. Sey ni Mikael, happy-happy lang sila (Megan). Sey naman ni Andrea, wala siyang dapat aminin. Chos!

Sa presscon ng “My Mother’s Secret” na launching ng love team nina Kim at Kiko (KimKo), ang pakiyeme ni Kiko ay nanliligaw pa lang siya kay Kim. Sey naman ni Kim, may chance na sagutin niya si Kiko, kaya lang, focused daw muna sila pareho sa kanilang career. Chos!

Nang may nagtanong kung nahalikan na ba siya ni Kiko, hindi agad nakasagot si Kim. Parang naumid ang dila.

“O, bakit hindi ka makasagot?” hirit ng reporter.

“Ano po, noong gawin po namin ang indie film na ‘Chasing Boulevard’ (na hindi pa naipapalabas), siya po ang first kiss ko,” palusot ni Kim.

“You have to respect someone’s decision,” butt in ni Kiko.

Buwelta ng press, “Mas irerespeto namin kayo kung aamin kayo.”

Kahit ano’ng pangungulit kina Kiko at Kim at kahit sinabihan pa sila na maraming sightings na magkasama sila at too sweet for comfort sila, hindi talaga sila napaamin na may relasyon sila. Kung ayaw, eh, di huwag!

And more
Sa “Pari ’Koy,” hihilingin ni Michelle kay Fr. Kokoy na ipagdasal nitong makita na niya ang nawawalang anak. Magpo-propose ng kasal si Kap. Jude kay Michelle. Malalaman ito ni Fr. Kokoy mula kay Pinggoy.

Lumabas na this week sa “The Rich Man’s Daughter” ang characters nina Paolo Contis (as Tommy) at Charee Pineda (as Angeline). Si Tommy ang ex-husband ni Althea (Glaiza de Castro) at si Angeline ang true love ni Gabriel (TJ Trinidad).

Naintindihan ni Gabriel ang sitwasyon ni Jade (Rhian Ramos) dahil hindi niya mahal si Pearl (Pauleen Luna) na pinakasalan niya. Hindi niya naipaglaban si Angeline na tunay niyang mahal. Tutok lang sa mga pasabog at kaganapan sa TRMD.

comments