Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Direk Eric Quizon tames skin exposures in ‘Pasion’

Direk Eric Quizon tames skin exposures in ‘Pasion’

Director Eric Quizon (center) with the main cast of ‘Pasion de Amor’ (from left) Ejay Falcon, Ellen Adarna, Jake Cuenca, Arci Muñoz, Coleen Garcia, and Joseph Marco.

FIRST TV directorial job ni Eric Quizon sa ABS-CBN ang Philippine adaptation ng Columbian telenovela na “Pasion de Amor” (PDA) na tinampukan ng Mexican superstar na si Mario Cimarro noong 2007.

Ayon kay direk Eric, almost one year ang preparation ng production staff. “Sa casting pa lang, it took a long time para ma-perfect six. ’Yung bubuong three brothers at three sisters na kailangang match sila talaga. Good-looking at sexy.

“I’m very happy with the cast. They really gave time para sa sensuality workshop,” pahayag ni direk Eric sa presscon ng PDA.

Tampok sa PDA sina Jake Cuenca, Ejay Falcon at Joseph Marco bilang Samonte brothers. Ang Elizondo sisters naman gagampanan nina Arci Muñoz, Ellen Adarna at Coleen Garcia.

Ayon kay direk Eric, nag-stick sila sa original version ng PDA, pero may limitations. “Naging bahagi ako ng MTRCB at alam ko kung ano lang ang pwede ipakita. May skin exposures pero inaalagaan ko ang mga artista ko sa daring scenes,” saad ni direk Eric.

Kuwento ito ng pag-ibig at paghihiganti sa pagitan ng pamilya Samonte at Elizondo. Mapapanood ang PDA simula June 1 bago mag-“TV Patrol” sa ABS-CBN’s Primetime Bida.

Freak accident
Parehong “taken” sina Jake Cuenca at Arci Muñoz na magkapareha sa “Pasion de Amor.” Non-showbiz ang girlfriend ni Jake at band member naman ang boyfriend ni Arci. Pero kilig-kiligan si Arci kay Jake noong presscon na ewan kung totoo ’yun o pang-promo lang ng kanilang telenovela. Whatever!

Parehong galing sa GMA sina Jake at Arci. Nag-TV 5 din si Arci at ngayon ay Kapamilya na siya. Aniya, sana’y last stop na niya ang ABS-CBN.

Nanibago nga pala kami sa itsura ni Arci noong presscon ng PDA. Parang may nabago sa mukha niya. May nagbulong sa amin na baka raw sanhi ‘yun ng aksidenteng nangyari kay Arci.

Noong nakausap siya ng entertainment press pagkatapos ng open forum, sinabi niyang nagkaroon siya ng freak accident noong October last year.

Sa isang gig daw ng kanyang BF ay inimbita siya nitong makipag-jamming on stage. Sobrang dilim, kaya hindi niya napansin ang mikropono sa harap niya at todo ang pag-head bang niya. Hayun, sumalpok ang face niya sa mikropono. Duguan ang mukha niya, kaya agad siyang isinugod sa hospital.

Tinahi ang eyelid niya. Nadisgrasya rin ang ilong niya at sabi raw sa kanya ng doctor, kailangan niya ng magaling na cosmetic surgeon para maibalik sa dati ang itsura niya.

Ayon kay Arci, nag-a-undergo siya ng laser treatment ngayon. Matatagalan pa ang healing process.

comments