Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Coleen says it’s about time she went out of the box

Coleen says it’s about time she went out of the box

Coleen Garcia

SINA Coleen Garcia at Joseph Marco ang magkapareha sa “Pasion de Amor.” May mga daring scene sila at ayon kay Coleen, hindi siya nagpaalam sa boyfriend niyang si Billy Crawford.

“He’s very supportive and understanding. Siya pa nga ang nagbibigay ng encouragement sa akin to do the scenes,” ani Coleen sa presscon ng PDA.

Aniya pa, she’s 22 years old and she needs to grow as an actress. It’s about time na mag-out of the box na siya. No more pa-tweetums role.

Billy is ten years older kay Coleen at halos ka-edad lang ng GF niya si Joseph. Sabi ng huli, super cute si Coleen, malakas ang sex appeal at kung wala lang daw sana itong boyfriend, baka niligawan na niya ito.

“She’s a happy person. Very positive. Kahit pagod na pagod na siya sa taping namin, wala siyang reklamo. Game pa rin,” wika ni Joseph.

Dagdag pa ni Joseph, si Coleen ang nag-inspire sa kanya na magpapayat. Noong nakita niya ang mga sexy pictures ni Coleen naipinost sa Instagram accounts nito, nahiya naman siya (Joseph) sa katawan niya, kaya nagpapayat din siya. Bawal kasi sa cast ng PDA ang mataba. Sexy bodies ang kailangang pagpapantasyahan ng mga kalalakihan at kababaihan.

Madalas nagkakasama at nagkikita sina Coleen at Joseph sa taping ng PDA at may pahayag pa si Coleen na easy to get along with si Joseph. Nag-jibe raw agad sila sa pagtatrabaho.

Hindi kaya sila madarang sa isa’tisa, lalo pa’t may mga daring scene sila sa PDA? Abang-abang na lang. PDA premieres on June 1 bago mag-“TV Patrol” sa ABS-CBN’s Primetime Bida.

Betong Sumaya

Poor boy
Graduate ng Mass Comm, AB Pilipino sa PUP (Polytechnique University of the Philippines) si Betong Sumaya. Aniya, nag-apply siya sa RPN-9, MacDonald’s, Jollibee, Tropical Hut at kung saan-saan pa, pero hindi siya natanggap. Naging bagger siya sa SM Sta. Mesa.

Nag-apply siya sa City Network 27 and after three months ay natanggap siya. Naging PA siya sa “Probe Team.” Naging EP sa iba’t ibang programa ng GMA7 hanggang sumali siya sa “Survivor Philippines Celebrity Doubles Edition” in 2011 kung saan siya ang tinanghal na Ultimate Survivor.

Panganay si Betong sa tatlong magkakapatid (2 boys, 1 girl). Poor lang sila at aniya, kung hindi noodles na sinabawan ng marami para magkasya sa kanilang pamilya, isang latang sardinas na maraming sabaw ang ulam nila.

“Ngayon, dalawa na ang ulam namin. Naipaayos ko na ang bahay naming sa Antipolo. May sarili na akong condominium unit (somewhere sa Scout area sa QC) at may second hand car (Toyota Altis),” wika ni Betong nang nakatsikahan naming bago siya umalis papuntang Canada. May show siya sa Vancouver on May 29 at sa Anaheim, California, USA on May 31 with Ai-Ai de las Alas, Alden Richards, Christian Bautista, and Jonalyn Viray.

And more
Sa “Yagit,” magaling na si Donya Claudia. Inililihim lang niya kay Izel ito para hindi ito makapaghanda sa kanyang pagbabalik. Hanggang kailan kaya paniniwalaan ni Victor ang mga kasinungalingan ni Izel? Magkabati pa kaya sina Victor at Dolores?

Sa “The Rich Man’s Daughter,” matutuwa si Gabriel na hindi na matutuloy ang kasal nina David at Jade. Paghihiwalayin ni Oscar sina Ama (Tony Mabesa) at Jade. Magtatangkang magpakamatay si Jade.

comments