Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Enzo and Barbie: Advocates for environment

Enzo and Barbie: Advocates for environment

ENZO Pineda and Barbie Forteza

MAGSASAGAWA ang GMA7 ng search para sa boy band group na piling-pili lang ang makakapasok. Mga bigating beterano sa music industry ang sasala, ayon sa isang GMA insider.

Since wala pang official announcement ang Kapuso Network, hindi pa namin alam kung kailan ang official launch ng isasagawang search. Sana lang, makahanap talaga ng pambatong boy band na pwedeng ipantapat sa mga tinitiliang international male idol group.

Haribon Foundation ambassadors
Pumirma kamakailan ng kontrata sina Enzo Pineda at Barbie Forteza bilang ambassadors ng Haribon Foundation.

Ayon kay Enzo, naka-focus ang advocacy niya sa protection ng “endemic species.” Mga hayop ito na kinakailangang bigyan ng maayos at malinis na kapaligiran para hindi sila tuluyang mapahamak at maubos.

Anang Kapuso actor na napapanood sa “My Mother’s Secret,” tutulong din siya sa recycling at tree-planting.

Focused naman si Barbie sa advocacy niyang magtanim ng mga puno. Nakakalbo na ang mga kabundukan at kagubatan, kaya aniya, pupunta sila sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas para magtanim ng mga puno.

“May pupuntahan kaming certain places na talagang safe magtanim at saka dapat, alam mo kung anong klase ng mga puno ang kailangang itanim. May mga ibon kasing may kanya-kanya silang punong pinamumugaran,” saad ni Barbie na napapanood sa “The Half-Sisters.”

Mall shows
Abangan bukas sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa kanilang mall show sa SM San Lazaro Activity Center at 4 p.m. Then, sa SM Manila at 6 p.m. Treat ito ng Biguel love team sa kanilang fans bago magbalik-eskuwela.

Napapanood sina Miguel at Bianca sa “Sunday All Stars” at “Ismol Family” sa GMA7. Huling teleserye nila ang “Once Upon a Kiss.”

comments