Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Heart and parents reconcile

Heart and parents reconcile

Ai Ai Delas Alas

SUPER generous pala talaga si Ai-Ai de las Alas hindi lang sa entertainment press, kundi pati sa kanyang showbiz and non-showbiz friends. No wonder, super blessed ang Philippine Comedy Queen.

Ayon sa kanyang friend na si Michael Angelo Lobrin, TV host-comedian, nagkakilala sila ni Ai-Ai noong nagkasama sila sa isang caring group na ang leader nila’y si Bro. Bo Sanchez.

“We eat together, we pray together. Super generous si Ai-Ai. Binibigyan niya ako ng R20,000 monthly, pati ang mga kaibigan niyang pari. Malapit siya sa Diyos at sa mga pari at madre,” ani Michael Angelo.

Si Ai-Ai ang special guest niya sa pilot episode ng bagong season ng “#MichaelAngelo” na nag-umpisa kahapon sa GMA News TV Channel 11, 3 to 4 p.m.

Friend din ni Michael si Dingdong Dantes. Sinabihan daw siya nito na ipapasok siya sa “Pari ’Koy.” May guest stint din si Michael sa “Pepito Manaloto” sa GMA7. May sinulat ding libro si Michael, “Laugh with God Today, Unang Ihip” na around 100,000 copies na ang naibenta mula sa iba’t ibang book stores nationwide.

HEART Evangelista

Happy heart
Happy heart si Heart Evangelista hindi lang dahil sa husband niyang si Senator Chiz Escudero, kundi dahil all’s well na between her and her parents. Nagkaayos na sila.

Kamakailan lang ay kasama ni Heart nag-dinner ang kanyang daddy at mommy nang dalawin siya ng mga ito sa kanyang bahay.

Feeling blessed din si Heart sa rami ng kanyang product endorsements. May bago rin siyang teleserye sa GMA7, ang “Beautiful Strangers” with Lovi Poe, Rocco Nacino, Benjamin Alves, Christopher de Leon and son Gabriel. Nagte-taping na sila and soon ay mapapanood na ito sa GMA Telebabad.

On June 27, paalis si Heart papuntang Canada para sa Pinoy Fiesta at Trade show ng GMA International. Magkakaroon ng cultural shows, beauty pageant, trade shows at Santacruzan.

Nag-resign
Nag-resign na si Pia Guanio sa “Chika Minute” segment ng “24 Oras.” Eleven years siya sa naturang segment.

Nagdesisyon si Pia umalis dahil gusto niyang i-prioritize ang kanyang pamilya (daughter Scarlet and husband Steve Mago).

Naintindihan naman ng GMA Network ang desisyon ni Pia at thankful siya sa “24 Oras” na naging bahagi siya ng leading credible newscast na ito.

May mga nag-comment naman na dapat daw ay sa “Eat Bulaga” nag-resign si Pia. May pahayag noon si Dina Bonnevie (ex-wife ni Vic Sotto) na por delicadeza, dapat daw mag-resign si Pia. Hindi raw magandang panoorin na magkasama sina Pia (ex-girlfriend ni Vic) at Pauleen Luna (present girlfriend ni Vic) sa naturang noontime show.

Well, kanya-kanyang opinion naman at mukha namang hindi affected ang ex-at present GFs ni Vic. They claim, friends sila. So, there!

comments