Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aiza bilib sa ‘Rich Man’s Daughter’

Aiza bilib sa ‘Rich Man’s Daughter’

WE have yet to hear kung ano naman ang reaction ni Charice Pempengco sa “The Rich Man’s Daughter.” Ang kapuwa niya lesbian na si Aiza Seguerra ay nagpahayag na bilib siya sa tomboyserye ng GMA7 at thankful siya sa pagbibigay ng boses sa mga katulad niyang lesbians.

Rhian Ramos

Ikinatuwa naman nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro ang pahayag ni Aiza. Anila, sobrang malaking bagay ang komentong ’yun ni Aiza sa kanilang show. Lalo raw silang na-inspire pagbutihin ang trabaho nila.

Sa ginawa namang kauna-unahang Live Q & A chat sa FaceBook nina Rhian, Glaiza at Luis Alandy, mas napalapit sila sa kanilang fans. Sila mismo ang nakausap ng mga ito at sumagot sa mga tanong. Natiyak ng fans na lehitimong accounts ’yun ng TRMD stars dahil kita ang kulay asul na check na katabi ng kanilang mga pangalan.

Glaiza De Castro

Ikinatuwa rin ng fans sa feature sa FB accounts ng TRMD stars na anytime ay pwede nilang sagutin ang kanilang mga tanong sa pamamagitan ng pag-tag sa kanilang verified accounts.

Alessandra De Rossi

Nominated
Nominated si Alessandra de Rossi sa 38th Gawad Urian bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang “Mauban: Ang Resiko.” Ayaw niyang umasa na mananalo siya at more than happy na siya sa nakuhang nomination mula sa naturang award-giving body. Bonus na lang daw kung magwawagi siya.

Si Alex ang isa sa cover girls ng “Mega” magazine para sa June issue nito kung saan kitang-kita ang katapangan sa mga tingin niya. Naging tatak na niya ang pagiging palaban, matapang at walang kinatatakutan. Kaya naman, marami ang naiintimidate sa kanya, gaya ng child star na si Chlaui Malayao na gumaganap bilang Elisa sa “Yagit.”

Alex plays Lulu at naaalala niya kay Elisa ang nawawala niyang anak. Napapanood ang “Yagit” pagkatapos ng “The Half-Sisters” sa GMA Afternoon Prime.

Tahimik ang love life ngayon ni Alex. Walang update kung break na nga ba sila ni Sid Lucero, o sila pa rin ba. Missing in action din si Sid na walang teleseryeng ginagawa ngayon matapos ang “My Destiny” sa GMA7. Ang isa pang ex-boyfriend ni Alex na si Jeremy Marquez ay si Gwen Zamora ang current girlfriend.

Nganga
Nganga ang fans nina Ai-Ai de las Alas at Eugene Domingo na humihiling na pagsamahin sila sa isang show ng GMA7 ngayong Kapusona rin si Ai-Ai. Wala pang balak ang network dahil may kanya-kanyang programa sina Ai-Ai at Uge.

Si Ai-Ai, merong “Let the Love Begin,” samantalang host ng “Celebrity Bluff” si Uge. Sa isang sitcom na gagawin ni Ai-Ai, si Vic Sotto ang makakasama niya. Wala sa cast si Uge. Magkakaroon pa ng talk show si Ai-Ai. Hindi kaya ma-insecure si Uge sa kanyang BFF?

May bagong show na ibibigay ang GMA kay Uge, ang “Dear Uge.” Comedy drama anthology ito kung saan susulat ang televiewers kay Uge ng kanilang saloobin na isasadula.

comments