Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Pie is back

Pie is back

manny and pieNICE to see again Dr. Manny & Dra. Pie Calayan. It’s been a while na nanahimik ang Calayan couple matapos ang controversial issue sa kanilang Calayan Surgicentre (CS) na diumano’y itinayo nila sa United States. Napabalitang may (o mga) taong pinagkatiwalaan nilang pamahalaan ang naturang branch na niloko sila.

Naayos na ’yun, ayon sa PR lady ng CS na si Mariel Vergara. Aniya, dalawa na lang ang branches nito, isa sa Makati at isa sa Timog, QC. Quality service at hands-on treatment ang ginagawa ng Calayan couple sa kanilang mga pasyente.

Itinanggi naman ni Dra. Pie na naghiwalay sila ni Doc Manny, kaya nagpunta siya sa US. Five years doon si Dra. Pie. Aniya, inalagaan at inasikaso niya ang dalawang dalagang anak nila ni Doc Manny, sina Andrea at Bernice. Na-miss nga niya si Doc Manny noong nasa US siya, ani Dra. Pie na pretty and sexy as ever. Aniya, 25 years na silang happily married ni Doc Manny.

Ang kanila namang Calayan Surgicentre ay 20 years na at katulong na nila sa pamamahala ngayon ang dalawang dalagang anak nila na parehong tipong artistahin. Kasama nila ang mga ito sa ipinatawag nilang presscon recently.

Calayan Secrets Skin Whitening Body Beauty Bar ang bagong beauty product ng Calayan Surgicenter. Affordable at suitable ito sa lahat ng skin types at available sa Mercury Drugstores.

Ayon kay Doc Manny, five years in the making ang formulation bago naaprubahan ang produkto. Ang main ingredients ng bar soap na ito’y glutathione, kojic acid at vitamin C para sa clear, smooth at fairer skin. Soon ay mapapanood sa You Tube channel ang “Beauty and Wellness Show,” hosted by Dra. Pie na si Mr. Vic del Rosario (Viva Entertainment big boss) ang producer.

Supportive wife
Willing si Mariel Rodriguez manirahan sa ibang bansa kung ’yun ang desisyon ni Robin Padilla. Dismayado raw kasi ang mister niya sa sitwasyon sa ating bansa.

Ayon pa kay Mariel, handa niyang iwan ang kanyang showbiz career para manirahan abroad with Robin. Ito ang boss niya at tagasunod lang siya sa lahat ng gusto nito.

Indefinite pa naman kung kailan sila maninirahan abroad. Meanwhile, busy-bisihan pa si Mariel sa dalawang TV shows niya sa TV5, ang “Happy Wife, Happy Life” at “Happy Truck ng Bayan” na mapapanood every Sunday simula June 14 at 11 a.m.

Paalis sina Robin at Mariel papuntang Spain ngayong June. Nakaplano na ’yun bago pa niya tinanggap ang HTNB. Sandali lang naman sila sa Spain. Iti-trace nila ang roots ng Padilla clan.

Dinumog
Dinumog at pinagkaguluhan ang promo mall tour ng “Pari ’Koy” sa CSI The City Mall sa Dagupan noong May 23. Kumanta si Gabby Eigenmann ng “Kailangan Kita.” Sumayaw naman si David Remo at medley ng Eraserheads hit songs ang kinanta ni Dingdong Dantes.

Pinasalamatan din nila ang mga sumusubaybay sa kanilang teleserye na gabi-gabing tumututok sa mga kaganapan nito.

Samantala, sa “The Rich Man’s Daughter,” tumakas si Jade. Sa condo na ni Althea siya tumira na ikinawindang nina Batchi at Wila. Nangako si Althea na paninindigan niya ang relasyon nila ni Jade.

comments