Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Shaira denies split with Edgar Allan

Shaira denies split with Edgar Allan

enrique and liza

SABI ni Enrique Gil sa presscon ng “Just the Way You Are,” hindi pa pwedeng ligawan si Liza Soberano. Willing daw siyang maghintay forever kung kailan ito pwede.

Pero nang tanungin siya kung nag-“I love you” na ba siya kay Liza, ani Enrique, “Silence means yes. ’Yun na ’yun! (laughs).” sagot ni Enrique. Aniya pa, ipinaparamdam naman niya ’yun parati kay Liza.

Asked Liza kung ano naman ang sagot niya noong nag-“I love you” si Enrique, “Thank you,” ang nakangiting sagot ng dalaga na kilig-kiligan pa. Sa ngayon daw kasi, ayaw pa muna niyang magka-boyfriend. Kapag okey na raw sa manager niyang si Ogie Diaz. Seventeen years old pa lang kasi si Liza.

Sabi pa nina Quen at Liza, special sa kanila ang isa’t isa. HOHO (Hang-out, hang-out) lang muna sila. “Okey lang. He’s someone (to whom) I can tell everything. He’s always there for me,” saad ni Liza. Dagdag pa niya, gusto niya ang pagiging funny at family-oriented ni Quen.

“Nagustuhan ko kay Liza, ’yung sinasabi niya sa akin ang mga gusto at ayaw niya. Akala ko hindi totoo. Ayaw niya ng suka, totoo pala. Sinasabi rin niya sa akin ang gusto niyang flavor ng chocolates at ice cream. Nagkukuwento siya tungkol sa life story niya na hindi niya masabi sa ibang tao,” pahayag naman ni Enrique.

Naging malapit sila ni Liza sa isa’t isa noong gawin nila ang teleseryeng “Forevermore.” Nag-klik ang LizQuen love team nila, kaya susubukan naman ang chemistry nila sa big screen.

Anila, medyo kinakabahan sila dahil iba ang TV series kesa pelikula. “Sana, maraming manood ng “Just the Way You Are” para happy kami,” ani Liza.
Produced by Star Cinema and directed by Theodore Boborol, showing ang JTWYA simula June 17 sa mga sinehan nationwide.

shaira mae

Going strong
Going strong ang relasyon nina Edgar Allan Guzman at Shaira Mae, taliwas sa balitang nagkakalabuan ang relasyon nila o hiwalay na sila dahil kay Maxene Magalona. Mariing itinanggi ’yun ni Shaira noong presscon ng “Happy Truck ng Bayan.”

Ani Shaira, masaya sila ni Edgar at walang problema sa kanilang relasyon. Pero huwag na raw pag-usapan ’yun dahil mas focused siya sa love team nila ni Mark Neumann. Magkasama sila sa “Tropa Mo Ko Unli,” “The Baker King” at sa “Happy Truck ng Bayan,” bagong game-musical variety show ng TV5 na mapapanood every Sunday simula June 14 at 11 a.m.

Faithful husband
Umeere pa ang tomboyserye na “The Rich Man’s Daughter,” pero may binubuo nang bagong istorya ang writer nitong si Suzette Doctolero. Tungkol ito sa nilokong mister ng kanyang misis. Titled “My Faithful Husband,” ayon kay Suzette, “This is about infidelity/cheating but the story’s going to be different. Promise!”

Wala pang pahayag ang GMA7 kung sino sa mga Kapuso stars ang itatampok sa upcoming series na ito.

By the way, bumisita si Mother Ricky Reyes sa taping ng TRMD para sa exclusive interview with Rhian Ramos, Glaiza de Castro and Chynna Ortaleza. Ipapalabas ang special LGTB episode sa “Gandang Ricky Reyes Todo Na ’To” ngayong Sabado (June 6) sa GMA News TV at 9 a.m.

comments