Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Source: Tampuhang Sharon-KC matagal na

Source: Tampuhang Sharon-KC matagal na

Sharon Cuneta

KUNG buhay pa lang si mommy Elaine Cuneta, for sure, hindi niya magugustuhan ang alitang namamagitan ngayon sa anak niyang si Sharon Cuneta at sa apo niyang si KC Concepcion. Sobrang tampo si Sharon kay KC, hindi lang dahil sa mga sexy photos nitong naglabasan, kundi may iba pang pinag-uugatan.

Sa isang interbyu kay KC, inamin niyang hindi perfect ang relasyon nilang mag-ina. Pero umaasa siyang magkakaayos din sila.

KC Concepcion

Ayon sa isang source, matagal nang may tampuhan sina Sharon at KC. Ngayon lang daw naglabas ng kanyang sama ng loob si Sharon kay KC. We have yet to hear kung ano naman ang totoong saloobin ni KC sa kanyang megastar mom.

Dagdag pa ng source, matagal nang may mga bagay-bagay na hindi pinagkakasunduan ang mag-ina. Sana lang huwag padala sa mga sulsol o gatong ng ibang tao sina Sharon at KC para hindi na lumala pa ang namamagitang tampuhan ng mag-ina.

Nawawalang libingan ng lola
Nag-iikot sa iba’t ibang radio stations si Dinah Dominguez at nananawagan sa mga taong nakakaalam kung saan matatagpuan ang libingan ng kanyang Lola Concepcion “Concha” Ravago Dominguez. Taga-Pinamalayan, Oriental Mindoro ito na namatay noong 1936.

dinah dominguez

Ayon kay Dinah na dating singer-actress-TV host, nagpaparamdam sa kanya ang lola niya sa father side. Madalas niya itong mapanaginipan at feeling niya, may mensahe itong gustong iparating.

Ayon kay Dinah, base sa kuwentong nakarating sa kanya, bigla nalang nawala ang kanyang Lola Concha. Diumano’y nahulog ito sa bangin at hindi na natagpuan ang bangkay nito. Wala ring makapagsabi kung nailibing ba ang kanyang lola, at kung saan.

May mga spirit questers na ring nilapitan si Dinah para maipahatid sa kanya ang mensahe ng kanyang lola. Seventy-nine years na itong patay at iniisip ni Dinah, baka humihingi ito ng katarungan sa sinapit na kamatayan, kaya hindi pa natatahimik ang kaluluwa ng kanyang lola.

Ang paghahanap sa nawawalang libingan (kung meron man) ng kanyang lola ang focus ngayon ni Dinah. Noong nag-quit siya sa showbiz, naging event organizer siya para sa mga private corporation.

Anak ni Dinah ang singer na si Champagne Morales, na may asawa’t anak na ngayon.

And more
What else is new? Kung kailan nag-break at saka inamin ng manager ni JC de Vera na break na sila ni LJ Reyes. Ang kiyemeng press release noon ng dalawa, good friends lang sila. HOHO (Hang-Out, Hang-Out) lang sila.

Na-link din noon si LJ kay Renz Fernandez na co-star niya sa “Yagit.” Pero walang naniwala dahil halatang pang-promo lang ’yun para sa kanilang afternoon drama series.

How true extended na naman ang “Yagit” dahil sa magandang ratings nito?

Sa “Pari ’Koy,” nagkaayos na sina Fr. Kokoy at Michelle. Lumalayo naman ang loob ni Sarah kay Noemi dahil nakita niyang magkayakap ito at si Matthew.

comments