Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Boyet napahanga ni Heart

Boyet napahanga ni Heart

christopher de leon

BALIK-Kapuso si Christopher de Leon at kasama siya sa “Beautiful Strangers,” bagong primetime series na malapit nang mapanood sa GMA7. Nagte-taping na ang multi-awarded actor at napahanga siya ng co-star niyang si Heart Evangelista sa mga eksena nila together na nakunan na.

Ani Christopher, malaki ang improvement sa acting ni Heart. Maybe because, sa rami ng pinagdaanan nito. More mature na raw ito ngayon.

Dagdag pa ni De Leon, nasubaybayan niya ang paglaki ni Heart sa showbiz. Parang anak na rin ang turing niya sa Kapuso actress. Ngayong magkatrabaho sila, hindi mapigilan ng actor ang magpahayag ng kanyang paghanga kay Heart.

Honored at overwhelmed naman si Heart sa mga papuri sa kanya ni Christopher. Lalo raw siyang na-inspire pagbutihin ang kanyang trabaho.

Tampok din sa “Beautiful Strangers” sina Lovi Poe, Rocco Nacino at Benjamin Alves. Mula sa direksiyon ni Albert Langitan.

Hanggang crush nalang
Dream come true kay Martin del Rosario ang makatrabaho ang crush niyang si Kylie Padilla. Leading lady pa niya ito sa “Buena Familia,” afternoon prime series na malapit na ring mapanood sa GMA7.

Ani Martin, bukod sa maganda, magaling pang umarte si Kylie. Excited at looking forward na siya to work with her. “Taken” na ang Kapuso star, kaya hanggang paghanga na lang si Martin. More than happy na raw siya na katrabaho niya si Kylie.

Si Matt Henares, anak nina Ronnie at Ida Henares ang boyfriend ni Kylie. May post pa si Kylie sa kanyang Instagram account ng kissing photo nila ni Matt.

This time, gusto raw niyang maging private ang kanyang love life dahil hindi naman daw showbiz ang boyfriend niya. Eh, bakit kaya nagpo-post pa si Kylie ng sweet photos nila ni Matt kung gusto niya ng privacy sa kanyang love life?

In any case, tampok din sa “Buena Familia” sina Jake Vargas, Julie Anne San Jose, Mona Louise Rey, Bobby Andrews at Angelu de Leon. Si Gil Tejada ang director.

aj ocampo

Upcoming child star
Naging inspirasyon ng upcoming child star na si Alaina Jezl (AJ) Ocampo ang mga child star na sina Alonzo Muhlach at Ryzza Mae Dizon, kaya pinangarap din niyang mag-artista. Full support naman ang mga magulang ni AJ na sina Jessie Ocampo at Alona Barbuco sa hilig ng kanilang anak, kaya pinayagan nila ito.

Ilo-launch si AJ sa “1 Day, I Araw (I Saw Nakakita)” na ang parents niya ang producers. Pinag-acting lessons muna nila si AJ at pinag-workshop sa Neophytes Talent Center. Bukod sa pag-arte, may talent din sa pagkanta at pagsayaw si AJ, lalo na ng ballet.

AJ is seven years old, Grade 1 sa Pater Noster Montessori sa Tagaytay City. Fluent siyang magsalita ng English at Tagalog. Favorite actress niya si Marian Rivera at wish niyang makatrabaho ito someday.

Kasama ni AJ sa kanyang launching movie sina Niño Muhlach, Lara Quigaman, Ritz Azul, John Regala, Allen Dizon, Jake Fernando at Nikka Sarla. Directed by Dinky Doo.

comments