Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Tom wants Carla chubby

Tom wants Carla chubby

TOM Rodriguez and Carla Abellana

HOW true kaya na si Tom Rodriguez ang diumano’y gustong mataba (o malaman) si Carla Abellana? Kapag nagdi-date raw ang dalawa (pero ayaw pa rin silang umamin na may relasyon sila) at kaunti lang daw kumain si Carla, sinasabihan siya ni Tom na kumain nang marami. Ewan lang kung aaminin ito ni Carla.

Mukhang type ni Tom ang mga chubby ladies. Ang ex-girlfriend niya (nakalimutan namin ang name) ay chubby rin.

Wala namang pakialam si Carla kung nananaba siya at nilalait siya ng bashers sa social media. Ayon naman sa isang source, nawalan daw kasi ng problema si Carla sa dati nitong karelasyon (Geoff Eigenmann), kaya sobrang happy ngayon ang Kapuso actress.

Pero sana lang, huwag pabayaan ni Carla na tumaba siya nang husto. Buti na lang, hindi pa siya nabibigyan ng fat memo ng GMA7. Binibigyan pa rin siya ng project, latest ang “Little Mommy” kung saan makakasama niya sina Chlaui Malayao (star ng “Yagit”) at Jillian Ward.

Meron pa siyang “Karelasyon,” “Ismol Family,” “Sunday All Stars” at “Pari ’Koy.” Umiigting ang mga kaganapan sa “Pari ’Koy” at nasasabik ang mga tagasubaybay nito sa magiging katapusan sa pag-reveal na anak nina Michelle (Carla Abellana) at Father Kokoy (Dingdong Dantes) si Pinggoy (David Remo).

megan

Sayang!
Sad siguro at nanghinayang si Mikael Daez na hindi siya ang napili ng GMA7 para gumanap bilang Sergio sa remake ng “Marimar.” Pagbibidahan ito ng girlfriend (na ayaw ding umamin sa kanilang relasyon) niyang si Megan Young, Miss World 2013. Kay Tom Rodriguez ibinigay ang male lead role bilang love interest ni Marimar.

The last time na nainterbyu namin si Mikael, sinabi niyang sana’y siya ang maging kapareha ni Megan sa “Marimar.”

Wala naman sigurong dapat ika-insecure si Mikael kay Tom dahil “taken” na ito, bagama’t ayaw pa nilang aminin ni Carla Abellana na may relasyon sila. Same with Mikael and Megan na ayaw pa ring umamin.

Baka naman pwedeng isama si Mikael sa cast ng “Marimar” at bigyan siya ng ibang karakter? Willing naman kaya si Mikael kahit supporting role lang, kahit nagbibida na siya sa mga teleserye ng Kapuso Network?

New Kapuso shows
Pinatay na ang karakter ni Bea Binene bilang Jam sa “Yagit.” Ibig kayang sabihin, may bago siyang gagawing teleserye? Si Kiko Estrada na pinatay rin ang karakter bilang Pipo ay may bagong TV series, “Ang My Mother’s Secret” with Kim Rodriguez.

Sa mga bagong show ng GMA7, parang wala sa cast si Bea. Sina Barbie Forteza at Andre Paras na magkasama sa “The Half-Sisters” ay may bagong show, “Dunk in Love.” Rom-com ito na mala-Romeo and Juliet.

Sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali ay magkaparehang muli sa “Womb for Hire.” Follow-up ito sa matagumpay nilang TV series na “Once Upon a Kiss.” Thankful sina Miguel at Bianca sa GMA7 na hindi pinaghiwalay ang kanilang love team.

Si Jake Vargas na ex-love team at ex-boyfriend ni Bea ay may bago ring show, “Buena Familia” na si Julie Anne San Jose ang katambal.

In any case, nag-enjoy naman si Bea sa kanyang summer vacation sa Coron, Palawan with her family. Fully recharged siya.

comments