Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kylie, Matt call it quits after 3 months

Kylie, Matt call it quits after 3 months

MARK HERRAS

ANO kaya’ng reaction ni Aljur Abrenica sa pag-amin ng ex-girlfriend niyang si Kylie Padilla na break na ito at si Matt Henares? April this year officially nag-on sina Kylie at Matt. After less than three months, they called it quits.

Ayon kay Kylie, mutual decision nilang mag-break sila para makapag-focus siya sa kanyang work at si Matt, sa pag-aaral nito. Nag-o-OJT ito sa Australia bilang chef.

Nakakaintriga lang ang sinabi ni Kylie sa isang panayam na ayaw niya sa mga taong malabo. Si Matt kaya ang tinutukoy niya?

In any case, makakatulong kay Kylie na makapag-move-on agad ang bago niyang TV series sa GMA7, ang “Buena Familia” kung saan si Martin del Rosario ang kanyang leading man. Crush ni Martin ang Kapuso actress. Hindi kaya nakakita ng pag-asa si Martin sa posibleng mangyari kapag nagte-taping na sila ni Kylie ng “Buena Familia”?

Tampok din sina Jake Vargas, Julie Anne San Jose, Bobby Andrews, Angelu de Leon at Mona Louise Rey. Mula sa direksiyon ni Gil Tejada.

Wynwyn Marquez

Ayaw pang magpaligaw
Walang magiging problema si Mark Herras kay Alma Moreno kung ipu-pursue niya ang panliligaw sa anak nitong si Winwyn Marquez. Nakilala na ni Alma si Mark at aniya, mabait at marespetong tao ito.

Hindi raw siya hahadlang sakaling manligaw o magkaroon ng relasyon sina Mark at Winwyn.

Eh, si Joey Marquez (Winwyn’s dad), boto rin kaya siya kay Mark?

Kaya lang, ayaw pa munang magpaligaw ni Winwyn dahil aniya, kabi-break lang niya sa kanyang non-showbiz boyfriend. Matagal na silang friends ni Mark. They go out, text each other, kumustahan lang. Pero may pasubali si Winwyn na hindi isyu sa kanya kung may anak ang isang guy. Common knowledge na may anak si Mark out of wedlock.

Kaabang-abang
Kaabang-abang ang mga kaganapan this week ng GMA Telebabad series “Pari ’Koy,” “Let the Love Begin” at “The Rich Man’s Daughter.”

Patuloy ang paghahatid ng inspirasyon ng PK (Pari ’Koy). Ano kaya’ng hakbang ang gagawin nina Michelle at Fr. Kokoy ngayong nalaman nilang anak nila si Pinggoy? Ano kayang magiging reaction ng mga taga-Bgy. Pinagpala kapag nalaman nila ang katotohanan?

Hitik naman sa kilig moments nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia sa LTLB (“Let the Love Begin”). Malalaman nang si Rita Avila ang tunay na ina ni Gabbi. Gustong ipa-annul ni Tony (Gardo Versoza) ang kasal nila ni Celeste (Donita Rose) dahil mahal pa rin niya si Sophia (Rita A.).

Sa TRMD (“The Rich Man’s Daughter”), gagawin lahat ni Oscar para paghiwalayin sina Jade at Althea. Mag-aanunsiyo pa siya na handa siyang magbigay ng P1 million sa lalaking makakabihag sa puso ni Jade.

Tips
May tips ang “Yagit” mommies na sina Yasmien Kurdi at Bettina Carlos sa mga back-to-school kids. Ani Yasmien, quality materials ang school supplies na binili niya para sa anak niyang si Ayeha.

Dinaan naman ni Bettina sa psychology ang anak na si Gummy nang ilipat niya ito ng school. Three years kasi itong nasanay sa pre-school.

Samantala sa “Yagit,” nalaman na ni Victor (James Blanco) ang pagnanakaw ni Izel (Bettina)sa kanilang kumpanya. Hanggang saan ang kayang gawin ni Dolores (Yasmien ) para maprotektahan ang anak na si Elisa (Chlaui Malayao) sa pagbalik ni Lulu (Alessandra de Rossi)? Tutok lang sa “Yagit” pagkatapos ng “The Half-Sisters” sa GMA Afternoon Prime.

comments