Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » John Lloyd, Angelica nagkasawaan na?

John Lloyd, Angelica nagkasawaan na?

John Lloyd Cruz & Angelica PanganibanNAGKASAWAAN na nga ba sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, kaya may tsikang diumano’y nagkakalabuan na ang kanilang relasyon? O, break na sila?

More than two years ang kanilang happy and sweet moments together na akala ng karamihan ay magiging forever na. May pahiwatig pa si Angelica na anytime ay handa na siyang magpakasal. Hinihintay lang niya ang marriage proposal ni John Lloyd.

Kaso lang, mukhang si John Lloyd ang hindi pa ready. Tama ba kami?

May mga nag-comment na kaya raw pala, nag-mamaasim ngayon si Angelica sa mga post niya sa kanyang social media account ay may pinagdaraanan daw pala ang Kapamilya actress. Hindi na nga lang siya pinatulan nina Marian Rivera at Heart Evangelista sa mga ipinost niya patungkol sa dalawang Kapuso stars.

Goal this year
Dream talaga ni Benjamin Alves ang makapag-publish ng libro. Determinado siyang matupad ’yun, kaya kapag may oras siya, ginugugol niya ito sa pagsusulat.

Aniya, madalas siyang magbasa ngayon at inaalala rin niya ang mga nakaraan niyang experiences para makakuha siya ng inspirasyon.

Anang GMA Artist Center talent at Kapuso actor, more on love poems, especially ’yung may mga hugot ang sinusulat niya. Hindi naman kaya may pinagdaraanan siya?

“No, wala!” sambit ni Benjamin sa isang pakikipag-usap sa kanya. “Sobra lang akong inspired makabuo ng libro. ’Yun ang goal ko this year.”

Kasama si Benjamin sa upcoming GMA primetime series na “Beautiful Strangers” where he plays Lawrence. Gagawin niya rito ang lahat para makuha ang gusto niya.

First time niyang katrabaho ang award-winning actor na si Christopher de Leon na gaganap bilang ama niya. All praises kay Benjamin si De Leon sa mga nakunang eksena nila together, lalo na sa kanilang confrontation scene. Nagrereklamo si Benj sa relasyon nila bilang mag-ama.

“Benjamin was so good,” exclaimed Christopher. “He was intense. He was there. Ramdam na ramdam ko siya.”

Coming from a multi-awarded actor, sobrang overwhelmed at honoured siya, ani Benjamin.

Number One
Hindi makapaniwala at jumping with joy si Glaiza de Castro dahil Number One sa iTunes ang self-produced debut album niyang “Synthesis.” Si Benjamin Alves ang nakaisip ng title nito.

Ayon kay Glaiza, noong i-check niya ang kanyang album sa iTunes, parang surreal. Overwhelmed siya. “Lord, totoo ba talaga ito? Pakigising ako. Guys, thank you so much. Araw-araw n’yo ako sinu-surprise,” nasambit daw niya.

Kung puro blessings ang dumarating sa buhay ni Glaiza, puro pananakot naman ang natatangap ng karakter niyang si Althea sa “The Rich Man’s Daughter” mula kay Oscar (Al Tantay).

By the way, may live chat sa kanilang Facebook accounts ngayong Huwebes ang apat sa cast members ng TRMD na sina Mike Tan, Chynna Ortaleza, Sheena Halili at Katrina Halili. Sasagutin nila ang mga tanong ng kanilang fans sa Q&A, 4:30 to 5:30 p.m.

comments