Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Princess Punzalan in town; guests on ‘Yagit’

Princess Punzalan in town; guests on ‘Yagit’

PRINCESS PunzalanMAY guest role si Princess Punzalan sa “Yagit” kung saan gaganap siya bilang Millie, ang balikbayan lawyer-sister ni Lulu (Alessandra de Rossi). Nag-taping na si Princess na dinalaw naming kasama ang ilang entertainment writers sa set sa Antipolo City.

Aniya, na-miss niya ang pag-arte, kaya medyo nangangapa pa siya sa first taping day niya. Ten years siyang nawala sa showbiz circulation dahil matapos ikasal sila ng American husband niyang si Jay Field noong 2005 ay sa Los Angeles, Sta. Monica, USA na sila nanirahan. Sa Boracay sila ikinasal (beach wedding), ayon kay Princess.

Dito sila sa Pilipinas nagkakilala thru a common friend. Isinet-up sila sa isang blind date at ayon kay Princess, walang spark noong first meeting nila ni Jay. Para sa kanya, friend-material lang si Jay at hindi niya inisip na magiging boyfriend o husband niya ito.

Before she knew it, nadebelop at na-in love na siya with him. “He’s very level-headed, very responsible, madaling kausap, hindi mo kailangang magpaliguy-ligoy kung may gusto kang ipaliwanag,” lahad ni Princess.

Advertising technology (may kinalaman sa apps, computer, internet, etc.) ang line of work ng husband ni Princess na isa ring Pastor. May one-year-old daughter sila named Ellie.

Nagbalik-Pilipinas si Princess two weeks ago dahil supposedly ay gagawa siya ng isang indie movie. But then, nagkaroon ng problema kaya hindi natuloy ang shooting. Nang alukin siya ng GMA7 na mag-guest sa “Yagit,” tinanggap niya ang offer para hindi masayang ang pagbalik niya sa Pilipinas. Besides, na-miss niya ang pag-arte, ani Princess.

Sa July 11 ang balik niya sa US kung saan nagtatrabaho siya bilang nurse sa isang hospital doon. Weekends lang ang duty niya.

Umiwas
GEORGINA WilsonBawal ang personal questions kay Georgina Wilson, kaya hindi siya natanong tungkol sa balitang diumano’y break na sila ni Borgy Manotoc. Pero nakalusot pa rin ang isang reporter nang tanungin si Georgina kung totoo bang may rich businessman na nanliligaw sa kanya.

“How I wish (laughs),” matipid na sagot ni Georgina.

Hindi rin siya natanong tungkol sa rift nila ng former manager niyang si Shirley Kuan dahil nagmamadaling umalis si Georgina sa kalagitnaan ng presscon ng “Asia’s Next Top Model (Season 3)” na ginanapsa 17th floor ng GMA Network Center. May flight daw siya papuntang Jakarta, Indonesia at kailangan by 1 p.m. ay nasa NAIA airport na siya.

Si Georgina ang host ng “Asia’s Next Top Model” na napapanood every Sunday sa GMA (SNBO), 9:30 to 10:30 p.m. May repeat telecast sa GMA News TV after “Taste Buddies” every Saturday, 9:15 to 10:15 p.m.

Nakipag-tie up ang TRESemme sa “Asia’s Next Top Model.”

Ipinakilala sa presscon ang model-volleyball player na si Monika Sta. Maria na kabilang sa Top 4 sa “Asia’s Next Top Model.” Throughout the third season, she has earned numerous best photo citations at nanalo sa maraming challenges na ipinagawa sa mga candidates tulad ng TRESemme challenge. Nag-recreate sila ng Spring/Summer 2015 hair trends gamit ang styling products ng TRESemme.

Na-impress niya ang judges at guest TRESemme hair professional Giovanni Wihayak sa ginawa niyang braids and twists trend.

Ang bagong TRESemme products ay Split Repair Shampoo, Conditioner at Serum na nakakaalis ng split ends sa buhok.

comments