Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Alex doesn’t take Renz seriously

Alex doesn’t take Renz seriously

Alessandra de Rossi

“GANYAN naman si Renz (Fernandez), lahat type niya,” sabi ni Alessandra de Rossi nang ipaalam naming sa kanya na type (kuno!) siya ng co-star niya sa “Yagit.”

Talagang ayaw maniwala ni Alex at alam niyang nambobola lang si Renz.

Bagay pala kay Renz ang kantang “Mambobola” ni Zsa Zsa Padilla. O, di ba?

Todo-iwas si Alex nang tanungin siya tungkol sa kanyang love life. Ayaw niyang pag-usapan ang break-up nila ni Sid Lucero.

Nang ipakita ng isang kasama naming reporter ang pamaypay na may retrato ng isa pa niyang ex-boyfriend na si Jeremy Marquez, deadma lang si Alex.
“Uy! Nalungkot siya,” joke ng reporter.

Deadma ever pa rin si Alex.

Hindi na siya hiningan ng reaction tungkol sa current girlfriend ni Jeremy na si Gwen Zamora. For sure, deadma ever din si Alex. Basta aniya, wala siyang time for love ngayon. Trabaho muna ang focus niya.

May gagawin siyang bagong indie movie na kukunan sa Sorsogon. Three weeks siyang mananatili roon, kaya hindi niya alam kung ano’ng gagawin sa karakter niya sa “Yagit” bilang Lulu.

Ayon pa kay Alex, maraming offers sa kanya para gumawa ng indie films. “Pinag-aagawan nga ako. Chos!” sambit ni Alex.

Kagagaling lang niya mula sa 10-day vacation sa Italy kasama ang kapatid na si Assunta de Rossi. Nag-birthday kasi ang kanilang daddy at doon ginanap ang celebration kasama ang mother at mga kapatid nila, ani Alex.

Nag-iipon na for his future family
Wala na naman si Mark Anthony Fernandez noong 7th death anniversary ng kanyang papa Rudy Fernandez.

Isang simpleng paggunita sa yumaong action star ang naganap sa Heritage Park noong June 7 na dinaluhan ng biyuda niyang si Lorna Tolentino, mga anak na sina Rap at Renz, ilang malalapit na kamag-anak at kaibigan.

Ito’y ayon kay Renz na nakausap naming sa taping ng “Yagit.”

Aniya pa, matagal na niyang hindi nakikita o nakakausap ang kanyang kuya Mark. Last year pa sila huling nagkita. Nami-miss na nga niya ito, ani Renz.

Hindi rin niya alam ang contact number ng kanyang kuya Mark. Parati raw kasi itong nagpapalit ng cellphone number. “Gusto yata ni kuya na mag-isa lang siyang nagpupunta sa puntod ni papa,” sambit ni Renz.

Nalungkot siya na hiwalay na ang kanyang kuya Mark at ang non-showbiz wife nitong si Melissa. May bago pa namang baby ang mga ito. Bago pa nanganak si Melissa ay naghiwalay na sila ni Mark.

Kailan naman bibigyan ni Renz ng apo ang kanyang mama Lorna Tolentino? Ang kanyang kuya Rap ay may anak na.

“Pag nagkaanak ako, gwaping (laughs),” sey ni Renz. He is 29 years old at naghahanap na siya ng babaeng gusto niyang maging ina ng magiging anak (o mga anak) niya, ani Renz. Nag-iipon na siya for his future family.

Okey ba sa kanyang mag-asawang muli ang kanyang mama LT?

“Kung saan magiging Masaya si mama, susuportahan ko siya,” ani Renz na gumaganap bilang Roman, isang pulis sa “Yagit.”

Aniya pa, happy siya sa magandang ratings ng show at balita pa niya’y extended ito.

May tsikang diumano’y gusto ng production staff ng “Yagit” na paabutin ang airing hanggang first anniversary nito sa July this year. Magkakaroon pa ng promo kung sino sa mga batang yagit ang ayaw/gusting mamatay ng televiewers.

comments