Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » JC nilaglag si LJ

JC nilaglag si LJ

NAKABILI na si Mark Neumann ng sarili niyang sasakyan (Ford Everest), pero aniya, hindi pa siya marunong mag-drive. Ang handler niya ang nagda-drive for him.

“Mag-aaral ako, inaayos ko lang ang schedule ko,” ani Mark sa pocket presscon ng TV5 for him.

Aniya, pinag-iipunan naman niya ngayon ang pambili ng condominium unit na gusto niya’y malapit sa TV5 studio sa Mandaluyong City.

Thankful siya sa Kapatid Network sa patuloy na pagbibigay sa kanya ng trabaho. Meron siyang “Baker King, “Tropa Mo Ko Unli,” “Happy Truck ng Bayan” at madalas din siyang i-feature sa “Wattpad Presents.”

Kinaiinggitan na nga si Mark ng ilang Kapatid stars, lalo na nang ipagkatiwala sa kanya ang title role sa “Baker King” where he plays Tag-Ku. Biggest project ever niya ito sa TV5. Tag-Ku na nga raw ang tawag sa kanya ng mga taong nakaka-recognize sa kanya kapag nakikita siya sa public places.

Ngayong Martes, nasa Sta. Ana Hospital si Mark para sa free surgery sa mga batang bingot (cleft palate). Siya ang ambassador ng Operation Smile na pinamamahalaan ng isang non-governmental organization na mangangasiwa sa libreng operasyon.

JC de Vera

Inconsistent
Sabi ni JC de Vera, hindi sila nagkaroon ng relasyon ni LJ Reyes, kaya walang break-up. Getting there pa lang daw sila, pero hindi na siya nag-pursue sa panliligaw sa Kapuso star. Sobrang busy raw kasi siya sa trabaho at wala siyang time para magka-love life.

Pero bakit sinabi rin ni JC sa interbyu sa kanya na meron siyang inspirasyon ngayon? Non-showbiz girl daw at mas gusto raw niyang gano’n para tahimik ang kanyang love life.

Inconsistent si JC, huh! Sabi niya, focused muna siya sa work, kaya ayaw muna niya ng love life. Sadya bang inilaglag niya si LJ dahil sa non- showbiz girl na ’yun?

Sa interbyu naman kay LJ, inamin niyang break na sila ni JC. Sinabihan daw siya nitong kesyo dapat daw, i-prioritize muna nila ang mga bagay-bagay na gusto nilang gawin.

Poor LJ! Tatlong guys na ang nang-iwan sa kanya. Una si Alfred Vargas. Pangalawa si Paulo Avelino. And now, ginawa rin ’yun sa kanya ni JC.

Ay, una nga palang showbiz boyfriend ni LJ si Mike Tan. Ewan lang kung ito ang nang-iwan o si LJ.

Sayang at hindi namin nainterbyu si LJ noong dumalaw kami sa taping ng “Yagit” sa Antipolo City. Busy-bisihan kasi siya sa mga eksenang kinunan sa kanya. Tama lang siguro na mag-focus muna si LJ sa kanyang work at sa pagiging single mom kay Aki, ang love child nila ni Paulo Avelino.

Louise Delos Reyes

Pasabog
Dalawang bagong karakter ang nadagdag sa “Pari ’Koy,” ang child star na si Barbara Miguel at si Louise de los Reyes. Barbara plays Daniela na pumasok ang ispiritu sa katawan ni Sarah (Jillian Ward), kaya nag-iba ang ugali ng huli.

Si Louise naman ay si Beth na nakilala ni Father Kokoy (Dingdong Dantes) sa isang retreat house. Abangan kung ano’ng magiging kaugnayan ni Beth kay Father Kokoy.

Abangan naman sa “The Rich Man’s Daughter” ang mga pasabog ni Paolo Contis bilang ex-husband ni Althea (Glaiza de Castro). Ipagtapat kaya ni Althea kay Jade (Rhian Ramos) ang tungkol sa nakaraan nila ni Paolo? Tutok lang sa mga kaganapan sa TRMD sa GMA Telebabad.

comments