Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Pagdalo ni Sharon sa book launch ni Juday naging issue

Pagdalo ni Sharon sa book launch ni Juday naging issue

SHARON Cuneta

ISYU na naman sa mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion ang pagdalo ng megastar sa book launch ni Judy Ann Santos. Wala kasi ito sa nakaraang photo exhibit ng kanyang anak. Ang stepdad lang ni KC na si Senator Kiko Pangilinan ang pumunta bilang suporta kay KC.

Kasama pa ni Sharon sa event ni Juday ang mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel. May mga nag-comment na mabuti pa raw si Juday, binigyan ng panahon ni Sharon na puntahan ang kanyang event. Samantalang deadma siya sa photo exihibit ng kanyang anak.

Mukhang hindi pa nagkakaayos ang mag-inang Sharon at KC, kahit pa nag-post ang megastar sa kanyang social media account ng picture nina Frankie at Miel noong nagbakasyon sila sa Thailand (nga ba ’yun?) na may caption na hindi kumpleto ang kanyang 3 girls dahil nami-miss nila si Ate (KC).

Noong nagpunta naman si KC sa farm sa Tagaytay City ng kanyang stepdad, ipinost niya ang picture nila ng kanyang daddy Kiko. Parang hindi yata nila kasama si Sharon sa trip nilang ‘yun dahil hindi nabanggit ang megastar. Walang ipinost si KC na picture nilang mag-ina.

Nagpa-eyebrow transplant
Malapit nang maging senior citizen si Christopher de Leon and at his age, super maalaga siya sa kanyang mukha at katawan. Physically fit si De Leon na daig pa ang anak niyang si Ian de Leon.

Ang laki ng katawan at mukhang tatay na, kahit soon-to-be father pa lang si Ian. Pregnant ang kanyang non-showbiz partner and a few months from now, certified daddy na si Ian.

Ang kanyang daddy Boyet, bukod sa pormang katawan, maalaga rin sa kanyang mukha at kutis. Suki siya ng isang skin clinic. Pati kilay, conscious din si Boyet, kaya nagpa-eyebrow transplant pa siya.

Pumayag pa siyang may TV coverage habang ginagawa ang proseso. Napanood nga namin ’yun sa isang morning show.

Mapapanood si Boyet sa “Beautiful Strangers” (BS), bagong teleserye ng GMA7 at pansinin n’yo nalang ang kanyang mga kilay. ‘Yun din ang pagmamasdan naming kapag naimbita kami sa presscon ng naturang teleserye.

Tampok din sa BS sina Dina Bonnevie, Heart Evangelista, Lovi Poe, Rocco Nacino at Benjamin Alves.

comments